Hot Chick (31)

22.4K 607 10
                                    

Buong school day ko wala akong naramdamang Damon sa paligid. Walang anino niya, presensya, mismong siya! Hindi siya pumasok sa school at naka off din yung cellphone niya.

Pagkauwi ko galing Unit niya hindi pa kami nakakapag usap after nung kiss na nangyari samin.

Sinusubukan ko siyang kontakin ilang beses na dahil nag aalala ako sa di niya pag pasok, imposibleng may sakit yun dahil kasama ko lang siya kanina at malakas siya.

Hindi ko tuloy maiwasang magalala.

Plano kong puntahan siya sa Unit niya dahil talagang sobrang nagaalala ako sakanya. Pero pag dating ko dun wala naman siya, kaya mas lalo akong nagaalala.

Wala siya sa Unit niya pero di siya pumasok at hanggang ngayon naka off yung cellphone niya.

Nasaan ba kasi siya???

Umuwi nalang ako ng bahay at pag dating ko dun wala pa si Mama kaya dumiretso nalang ako ng kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko habang hawak hawak yung cellphone ko. Ayaw kong bitawan ang cellphone ko dahil baka biglang tumawag si Damon.

Pero ilang minuto na kong nakahiga at nakatitig sa cellphone ko wala paring paramdam niya.

** Hi. Bakit di ka pumasok? ** i texted him. Tsk. Di ko alam kung bakit ko pa siya tinext eh nakapatay naman cellphone niya.

Natapos na kaming kumain lahat lahat. Natapos na din akong maligo at hanggang ngayon wala siyang paramdam. Gusto ko ng ibato sa inis ang cellphone ko dahil sa ginawa niya saking pagpapaalala para sakanya.

Ano bang problema at di siya nagpaparamdam? Nakakainis na!

Nakataklob lang ako ng kumot habang kinakalikot ang cellphone ko, yung totoo?? Nag hihintay padin ako ng tawag mula sakanya. Haay! Para akong girlfriend nito na nag aalala sa boyfriend na umiinum na baka may kasamang ibang babae, gantong ganto ang nararamdaman ko sana nga wala siyang kasamang ibang babae.

Biglang nag ring ng nag ring yung cellphone ko na dahilan mapatayo ako mula sa pagkakahiga dahil finally tumatawag na si Damon.

Huminga muna ko ng mabuti bago ko to sinagot. "Hello?" I answered it.

"Hi." Matipid niyang sabi. Hi lang? Walang sorry kasi hindi ako nag paramdam buong araw o kaya paliwanag kung bakit di siya pumasok? Haaaay!

"Nasa labas ako ng bahay niyo, pwede ka bang makita?" Tanong niya. OhmyGosh!

"Uhm.." i cleared my throat. "Wa'wait me there." Nag madali akong lumabas ng kwarto ko papunta sa pinto ng bahay pero bago ko buksan yun tumingin muna ko sa salamin sa sala para malaman kung ayos ba yung itsura ko tsaka ako lumabas ng bahay at nakita ko ang kotse niya na naka park sa tawid ng bahay.

Bumaba siya ng kotse ng makita ako kaya lumapit na ko. Dahan dahan akong nag lakad papalapit sakanya. Nakakaramdam ako ng ilang at hiya hindi ko alam kung bakit pwedeng dahil sa nangyaring kiss kaninang umaga.

"Hi." I greeted.

"Hi." He greeted back.

"Okay ka lang?" Mukha kasi siyang.. ewan malungkot?

"Yes, kasi nakita na ulit kita." Hinubad niya yung suot niyang jacket at isinuot sakin. "Bagay sayo yung pajama mo." Pagbibiro niya. Pero kahit nag bibiro siya yung mata niya di makakapag sinungaling na malungkot siya.

Hinawakan niya ko sa kamay at pareho kaming sumandal sa kotse niya. "Saan ka galing? Bakit di ka pumasok?" Tanong ko.

"Galing akong sementeryo, binisita ko yung sinabi kong babaeng special sakin.. remember that?" He asked. I nod. So galing pala siya sa Special someone niya kaya naman pala siya malungkot. Kaya din pala whole day na naka off ang cellphone niya.

"Do you want to talk about her now?" I asked hoping na sana ikwento na niya sakin ang babaeng nakapag pabago sakanya.

He shakes his head. "Sorry."

"Okay lang. So.. uhm.. ngayon ba ang araw na nawala siya kaya binisita mo siya?"

"No, binisita ko lang siya."

"You really loved her, i can tell by your face." Nakaramdam ako ng kirot sa puso, tingin ko selos to. Lucky girl.. whoever she was.

He gives me a weak smile. "Pero di ko nagawang iparamdam yun, sakanya. Sa huling hininga niya sinaktan ko siya." He looks more hurt now.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Hey.. for sure ngayon alam na niya kung gaano mo siya kamahal. Nakikita niya ang pagbabago mo at alam kong masaya siya sa nangyayari sayo ngayon."

"Thank you."

"Para saan?"

"Kasi nagpakita ka at sinamahan mo ko."

"That's what friends are for."

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now