Hot Chick (10)

27.3K 781 8
                                    

Umupo lang kami sa mga bench sa Sports Center habang nagpapahinga. Nakikinig lang kami ng music sa iPod ni Damon at masasabi kong pareho kami ng hilig sa music puro pop and ballad, di halata sa personality niyang playboy.

Umiinum ako ng tubig ng biglang may tinanong si Damon. "Si Ian ba na dating team captain ng baseball team ang ex mo?" Nasamid ako sa tanong niya. I coughed. Paano niya nalaman? At bakit parang biglaan naman ata niyang natanong?

He laughed. "You okay, baby?"

I cleared my throat. "How did you know it was him?" I asked.

"Hmm.. sabihin nalang natin na nakita ko kayo dati na nag di'date."

I sighed. "Hindi pala kami magaling magtago kung ganun."

He laughed. "Hindi talaga. Bakit ba kayo nagtatago? Ni wala manlang ibang nakaalam ng relasyon niyo sa school maliban siguro kela Luisa at Majah."

"Ayaw ng Papa niya na makipag relasyon na siya dahil ayaw nitong madistract si Ian sa Baseball Team. Kaya kahit gustuhin ko mang ikalat sa lahat na kami hindi pwede." Ano ba yan, naalala ko na naman tuloy siya. Nangako pa naman ako sa sarili ko na hindi ko na siya iisipin kasi naman eh bakit pa siya nagtanong?

I stand. "Kain tayo?" Pagbabago ko ng topic.

He stands. "Okay." Mukhang na sense niyang ayaw kong pagusapan ang ex ko kaya pumayag nalang siya. Buti nalang.

Sabay kaming umalis ng Sports Center at nag hanap ng makakainan, pumunta kami sa isang fast-food chain.

"What do you want to eat? Ako na ang oorder." Damon offered. Aakma na sana kong kukuha ng pera sa bag ko pero pinigilan niya ko. "Libre ko to, kaya sulitin mo." He said smiling.

I grin. "Talaga???" He nods. "I want lots of fries.. then Burger is fine."

"Lots of fries?? Favorite mo?" I nod, grinning. He chuckled. "Okay, what drinks?"

"Coke is fine. Hahanap na ko ng mauupuan natin." I said. He just nods, looking at the Counter.

Naghanap na ko ng bakanteng upuan habang nakapila si Damon. Pumwesto ako malapit sa glass wall para kita ang labas at malapit lang din sa Counter para madali akong mahanap ni Damon.

Pinanuod ko lang siya habang nakapila. May babaeng halos kita na kaluluwa ang lumapit sakanya, tumingin sakin sandali yung babae at ngumisi ng nakakaloko sabay kausap kay Damon. Pero tingin ko tinarayan siya ni Damon dahil umalis yung babae na ang sama ng mukha. Aba, himala ah! Si Damon na ang middle initial ata ay Playboy, nag taray ng babae?

Lumapit sa direksyon ko si Damon ng matapos siyang mag order. Laking tuwa ko nang makita na soooobrang dami ng fries na binili niya. "Excited much, baby?" He asked smirking.

"Very!" I said grinning. Hinayaan lang namin sa tray yung fries kumuha lang kami patingi tingi, surprisingly mukhang favorite din niya ang fries.

"Favorite mo din?" Tanong ko. He nods smiling. I laughed. Sino mag aakalang ang playboy na to mahilig sa fries. Siguro nga nag bago na siya. Haha! Dahil lang sa fries nasabi ko agad na nagbago na siya.

Tumingin ulit ako dun sa babaeng lumapit kanina kay Damon. "Sino pala yung kumausap sayo kanina? Bakit mukhang badtrip nung tinigilan ka?"

"Sinabihan ko kasing mukhang mali siya ng napuntahang lugar. Akala niya ata Club tong Fast-food Chain kung makapag pacute sakin."

I laughed. "Grabe ka! Di mo ba type kaya tinangihan mo?"

"No baby, just not into it anymore." Wow! Totoo nga kaya o baka nag jojoke lang to minsan kasi puro kamanyakan lumalabas sa bibig niya eh. He smirked at me. "Surprised, baby?" Umiling ako pero tumango din naman. "Bakit parang di ka sure?"

"Yung mga sinasabi mo kasi may pagka playboy pa din."

He chuckled. "Di na siguro maalis sakin yun. Siguro sa salita nalang pero hindi na sa mga the moves."

"Ohh... really?? So anong ibig sabihin ng paghalik mo sa pisnge ko?"

"I just wanted to feel your cheek." He said, chuckling.

"By kissing my cheek? Pwede namang haplusin lang."

"Pwede ba?" Pilyo niyang tanong.

I forced a smile. "Syempre hindi, mag paalam ka muna sa Nanay kong pulis."

"Oh.. baby, luma na yan."

"No, Damon.. pulis talaga ang Mama ko." Kinuha ko yung cellphone ko at pinakita ko yung picture ni Mama na nakauniform. Halata sa mukha niya ang gulat. I laughed hard. "Be careful on your words now, she can kick your ass."

"Scary." We both laughed.

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now