Hot Chick (8)

27.7K 745 5
                                    

Tulad nga ng sabi ni Justin after ng klase ko pumunta ako sa Field kung saan ako kakausapin. Sinamahan ako ni Majah at Luisa na nag hintay pa talagang matapos ang klase ko para lang samahan ako. Si Damon naman may klase pa. Napaka supportive talaga nitong mga kaibigan ko.

Nakita ko si Coach habang tinitrain si Justin na ngayon ay nag iistretching na. "Coach.." i called. He looked at my way.

"Buti dumating ka. Didiretsuhin na kita, wala kaming mahanap na babae na pwedeng icompete para school.. gusto mo bang bumalik?" Oh my God!

I nod without saying a word. "Kung ganun, sa Saturday mag try out ka.. tignan natin kung kaya mo pang tumakbo ng mabilis tulad dati."

"Yes, Coach makakaasa po kayo."

"Don't disappoint me again, Amber." He seriously said.

"Yes, Coach." I smile widely.

"Congrats Amber." Justin said.

"Wag muna, mag tatry out pa ko."

"For sure makakapasok ka." He grins at me. I just smile.

Tumakbo ako papalapit kela Majah at Luisa.. at niyakap sila dahil sa tuwa. "Pasok ka na ulit?" Tanong ni Majah.

I shake my head. "Mag tatry out pa ko."

"Pasok ka niyan for sure." Luisa said confidently. I laughed.

"Pareho kayo ng sinabi ni Justin."

"Ngayon ko lang napansin na cute pala si Justin nu?" She said. I roll my eyes. Hinila ko na sila bago pa isipin ni Luisa na sungaban si Justin, di joke lang. Haha!

"We should celebrate, Amber." Majah said smiling.

I shake my head. "Hindi pwede, kailangan kong mag practice ang tagal ko ng walang practice eh."

"Bukas na yan!" Luisa said.

"No! After nalang ng Tryout ko."

"Okay.. sama mo si Justin ah." She said again. Naku naloko na may natipuhan na naman siya.

"Oo na sige na sasama ko siya. Pero wag kang umasang pansinin ka nun kasi first priority niya ang sport then studies kesa sa babae."

"Wow ah! Lalo siyang pumogi sa paningin ko. Ilalagay ko ang pangalan ko sa priorities niya." Kompyansa niyang sabi. Tumawa nalang kami ni Majah dahil for sure gagawa talaga siya ng paraan para mapansin siya ng lalakeng gusto niya. Ganyan yan eh.

Umuwi din naman agad ako pagkatapos kong makausap si Coach. Si Luisa at Majah mukhang rarampa dahil wala pa silang planong umuwi, ako kasi paghahandaan ko yung practice ko bukas ng maaga. Pupunta ako ng Sports Center para dun magpractice.

Pag dating ko sa bahay.. nandun na si Mama. Nagluluto sa kusina at mukhang pag dating niya nagluto agad siya dahil nakauniform parin siya ng pulis. Yaaah! My Mom is a Policewoman, siya talaga ang totoong pulis at hindi ang tatay ko. Strikta siya kaya ganun nalang ang galit niya nung malaman niyang nabuntis ako pero dahil mahal niya ko wala na siyang nagawa kundi tangapin ang nangyari sakin.

Ang dad ko ay isang engineer na naka destino sa Hongkong at may iba ng pamilya.

"Mom, mag bihis ka muna ako na ang magtatapos niyang niluluto mo." I said.

"Okay, thank you Sweetheart." She said then kissed my forehead. Naglakad na siya pabalik sa kwarto niya. Tulad nga ng sinabi ko ako ang tumapos ng niluto ni Mama.

Nang matapos ako tinawag ko si Mama para kumain na at habang nasa hapagkainan nagsalita ako..

"Ma, mag tatryout ulit ako sa Track and Field.. pinapabalik kasi ako ni Coach."

"Ganun ba?? Good to hear that. I'm happy for you Sweetheart."

I smiled. "Thanks, Mom."

After naming kumain nag hugas na muna ko bago ako pumasok ng kwarto ko. Ibinagsak ko yung katawan ko sa kama. I closed my eyes.

My phone ring.. kinuha ko yun sa bag ko at tinignan kung sino yung tumatawag.. Unknown number..

"Hello?" I answered it. "Who's this?"

"Heey, baby.. kamusta ang pakikipag usap mo dun sa Coach?" Boses yun ni Damon, siya lang din naman ang tumatawag ng baby sakin.

"Paano mo nalaman number ko?" Gulat kong tanong.

"Binigay sakin ni Majah." Oh great! Kailan pa ko pumayag na ibigay nila number ko kay Damon? Pambihira talaga sila. I sighed.

"Okay naman, salamat sa tanong. Plano kong mag practice bukas."

"Anong oras?"

"Bakit?"

"Sasamahan kita."

"Bakit mo naman ako sasamahan?"

"Dahil baby mo ko."

"Mukha mo!" He laughed.

"Sabihin mo na, anong oras ba?"

"Morning, before school."

"Okay, susunduin kita sainyo." Woe what???

"No!!!!" I snapped. Diyos ko, gusto niya pa atang talakan ako ni Mama. "Pumunta ka nalang ng Sports Center na malapit sa school."

"Okay, see you tomorrow baby."

"Whatever! Bye!"

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now