Hot Chick (41)

23.9K 654 22
                                    

Maaga kaming gumising para sa Training. Ayaw man naming gumising ng maaga wala kaming magagawa dahil ginising din naman kami ni Coach. Ang lakas pa ng katok niya sa kwarto ko, magising lang ako.

"Kamusta ang pakikipag bonding niyo sa mga kaibigan niyo?" Tanong ni Coach habang nag iistretching. Napa nagkatinginan kami ni Justin sa gulat. Alam pala niya, patay!

"Alam niyo okay lang naman sakin na nandito yang mga kaibigan niyo, basta hindi nila maistorbo ang Training natin."

"Hindi po nila gagawin yun, Coach. Pasensya na kung nilihim namin." I said.

"Ayos lang. Sige na, simulan niyo na yan."

Hu! Akala ko sesermunan niya kami.

Sinimulan na namin ang pagt'training, jogging on the water and on the sands first. Then.. pahinga sandali tsaka kami inorasan ni Coach sa pagtakbo namin sa buhangin.

One Word.. NAKAKAPAGOD.

Alas tres na ng hapon nang malibre kami ni Justin, ibig sabihin nun pwede na daw kaming mag happy happy. Sa haba ba naman ng oras na puro Training lang eh deserved namin tong happy happy.

Pinuntahan na namin ang mga kaibigan naming di namin alam kung anong ginagawa, di rin kasi namin sila nakita. Sinunod nila kong wag magpakita kay Coach kasi maski kami hindi namin sila nakita. Pero ngayong alam na ni Couch na nandito sila pwede na silang magpakita at mapanuod kami sa Training.

Si Majah ang nag bukas samin ng pinto para samin. "Tahimik ata." Sabi ko pag pasok ko ng Villa.

"Natutulog kasi yung dalawa." She's referring to Damon and Luisa.

"Puntahan ko lang si Luisa." Stefan said.

"Hmm.. puntahan ko si Damon."

"Bakit tatabihan mo?" She said smirking.

OO!

"Gigisingin ko lang."

Naglakad na ko papunta sa kwarto ni Damon at pagpasok ko ang sarap ng tulog niya. Bored siguro siya kaya nakatulog. Umupo ako sa kama ng di niya napapansin, pinagmasdan ko siyang matulog napaka gwapo niya talaga. Hindi ako makapaniwalang gusto ako ng napakagwapong lalakeng to, ano kayang nakita sakin nito?

Dahan dahan akong humiga at tumabi sakanya, ginamit kong unan ang braso niya at niyakap siya. Nagising ko siya sa ginawa kong yun.

"Hi." I greeted.

"Hi." He greeted back. Hinigpitan niya ang yakap sakin, tsaka tumanday din sakin. Ipinikit niya ulit yung mga mata niya at pinagpagpatuloy lang ang pagtulog. Hindi ko na siya inistorbo pa at hinayaan lang ang pag yakap at pagtanday niya sakin, ipinikit ko nalang din ang mata ko dahil sa pagod nakakaramdam ako ng antok.

Paghaplos sa pisnge ko ang gumising sakin. I slowly open my eyes and i saw Damon, smiling down at me. "Tired baby?" He softly asked. I nodded. He kissed my forehead. "Rest more, baby." Aakma siyang aalis ng kama.

"Saan ka pupunta?" I asked.

"Hayaan muna kitang matulog."

"No! Stay here."

He chuckled. "Okay, baby." Tumabi siya sakin at niyakap nalang ulit ako. Hmm.. i love this and i love him. Yes, i love him. My heart shouting that i love him. Luisa was right, hindi ko talaga kayang hintayin ang pag graduate ko maging kami lang, gusto ko ngayon na. Gusto kong maging kami na at tawagin ko din siyang baby ko. Gusto kong sabihin sakanya kung gaano ko siya kamahal, gusto kong araw araw iparamdam sakanya niya yun.

"Baby.." He called.

"Hmm?"

"I love you." He whispered, making me look at him. Naramdaman kong kumabog na naman ng malakas ang puso ko sa narinig ko. Mahal din niya ko, mahal din niya ko!

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now