Hot Chick (22)

23.3K 643 3
                                    

Sa kwarto kami ni Majah mag iistay tatlo, buti nalang talaga at malaki tong kama niya dahil mukhang kasya naman kaming tatlo.

"Hmmm.. so girls sino unang magkukwento tugkol sa boys?" Luisa started to asked.

"Akala ko matutulog lang tayo di niyo naman ako ininform na may kwentuhan palang magaganap." I said.

"No! Syempre kasama to. Kaya ikaw mauna ka na!"

"What??!!" Pagaangal ko.

"Go na, tama na ang angal.. di ka pa tapos samin at sa kwento sainyo ni Damon." Majah said.

"Tama!! Ano gusto mo na siya?" Luisa asked. Haay! Heto na naman sila, bakit ba nila ako kinukulit tungkol dun?

"Ang kulit niyo, magkaibigan nga lang kami." Pagpupumilit niya.

"Kalokohan! Wala ka manlang naramdam na kahit kunti sakanya?" Majah asked. Hmm.. meron naman aminado ako kaya lang, nakakahiya dahil magkaibigan kami. Sino kasing di makakaramdam kung lagi siyang malambing?

"Uyy!! Di sumagot ibig sabihin meron." Luisa teased.

"Oo na meron. Normal lang naman siguro yun, dahil malambing siya."

"Gaano kalambing? Yun ba yung pag halik niya sayo sa noo?" Luisa asked grinning.

"Uhmm.. kasama yun, pero ang mas naaappreciate ko sakanya eh yung lagi nalang siyang nandyan pag umiiyak ako."

"At kailan ka naman umiyak?" Majah asked.

"Nung binisita ko anak ko, at kanina nung nagpakita si Ian sakin sa school."

"Nagpakita sayo si Ian?" Gulat na tanong ni Majah.

"Langyang yun, lakas ng loob magpakita." Luisa groans.

"Anong dahilan bat siya nagpakita? Anong pinausapan niyo?" Majah asked.

"Nangamusta lang siya at.. nag sorry, pero nung plano niyang bangitin ang anak ko sinamapal ko siya." Tinitigan lang nila kong dalawa at di nag salita, mukhang iniisip nila kung anong nararamdaman ko at nagpakita si Ian. Dapat ko din bang sabihin na hinalikan ko si Damon? Ay di wag nalang baka lalo nila kaming intrigahin.

"Change topic na!" I said. They nod. Ahh! I love this girls napaka understanding talaga nila.

"Mario, asked for my number." Majah started to change the topic. Oh Gosh!

"Binigay mo?" Tanong ko. She nods.

"Nangulit eh."

"Type mo?" Luisa asked, teasingly.

"He's hooot! Pero ayoko pa ding patulan dahil di ko bet ang karakas niya bilang playboy at.... may nangyari sakanila ni Trish! Eiiww!" She makes a disgusted face.

"Eh kung wala?" I asked.

"Pagiisipan ko." We all laughed. Gwapo naman kasi talaga si Marion, ewan ko nalang kung di tamaan dun si Majah. Biglang may nag ring na phone sa gitna ng pagtatawanan namin.. hindi yun sakin kaya malamang isa dito sa dalawa yun.

Si Luisa ang tumayo at pumunta sa bag niya tsaka kinuha yung cellphone niya.. she smiled at us.

"It's Justin." She said grinning widely. We smirked at her. "Hi." She answered it.

"Yah.. I'm good, I'm with Maj and Amber, nabangit ko sayo na mag sleep over kami dito kela Majah diba?..." she seats besides us. "No, wala namang sinabi si Amber." She winks at me. I grin, mukhang pinaguusapan nila yung planong panliligaw ni Justin. "Tomorrow? yah, sure... okay, goodnight." She looked at us grinning.

"Kakausapin niya daw ako bukas." Excited niyang sabi.

"Way to go girl!" Majah said laughing.

This time cellphone ko na nman ang narinig kong nag ring ulit. Hulaan ko... si Damon yun. Kinuha ko yun sa bag ko at di nga ko nagkamali si Damon nga, kakatawag niya lang kanina tumatawag na naman ngayon? Ano na namang kailangan niya? Baka tatanungin niya kung iniisip ko yung purple boxer niya. Haaay! Nakakaloka talaga siya.

"Oh???" Inis kong sinagot ang tawag.

"Baby, i can't sleep." I sense he's pouting. I roll my eyes. At least hindi underwear ang paguusapan namin. I looked at the girls, they're smiling ridiculously at me.

"So????"

"Kasalanan mo!"

"At bakit ko naging kasalanan, aber?" Nanisi pa ang mokong.

"Hindi kasi mawala sa isip ko yung purple-"

"Damon!" Pagpuputol ko. "Pag tinuloy mo yang sasabihin mo, i swear!!!!!! hindi na kita papansin." Akala ko naman hindi tungkol sa underwear ang tinawag niya, talaga namang tong mokong na to oh!

He laughed. "Okay, baby.. hindi na."

Hot Chick (Unedited)Место, где живут истории. Откройте их для себя