Hot Chick (28)

24K 673 4
                                    

Hawak hawak lang ni Damon yung kamay ko habang bitbit yung bag ko. Hindi ko maiwasang matuwa dahil sa mga nangyayari, mas gusto niyang ako ang kasama sa Birthday niya tapos hawak hawak pa niya yung kamay ko na parang girlfriend niya.

Sana nga lang talaga nagbago na siya. Hindi playboy si Ian pero nagawa niya kong saktan, si Damon pa kaya na may history na ng pagiging playboy? Sana talaga! Sana! Sana karapatdapat lang siyang magustuhan.

Dumiretso kami ni Damon sa Store ng mga damit sa pinag bilhan namin ng underwear noon, kaya itong si Birthday boy ngiting ngiti na naman na halatang may naaalala.

Nakabuntot lang na naman siya sakin habang namimili ako ng pwedeng suotin, pero nag suggest siya ng susuotin ko at dahil nag paawa look siya at mukhang gusto niya yung dress na pinili niya para sakin pinagbigyan ko na kasi maganda din naman. Siya din pumili ng sandals para sakin.

Next well.. alam na kundi underwear at take note nag susuggest na naman siya ng purple underwear. Haaay! Di talaga siya maka moved on dun, at dahil masyado ng private yun kaya hindi ko siya sinunod. Tinakpan ko yung mata niya tsaka pumili ng gusto kong underwear atsaka tinago ko sakanya yun. Ha! Kala niya ah.

"Anong kulay baby?" He asked.

I slapped him on the back of his head. "Tumigil ka nga!"

Nag bayad lang kami sandali sa Cashier bago kami bumyahe papunta sa Unit ni Damon.

Habang nasa byahe bigla kong naalala yung naisip ko na wala pa kong masyadong alam kay Damon.

"Damon, nasaan pala yung parents mo?" I asked. Tumingin lang siya sandali sakin na mukhang binasa sandali ang iniisip ko tsaka ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Nasa U.K sila both nurses, dun sila nagkakilala."

"Bakit wala ka sa U.K kung nandun naman pala sila?"

"Ayaw ko dun. Isa pa, di naman ako close sakanila.. mas close ako sa lola ko na nag palaki sakin kaso nawala siya nung tumungtong ako ng College. Kaya simula College mag isa nalang ako." Wow! Paano niyang nakayang mabuhay mag isa? Bilib na ko sakanya.

"Bakit pala bigla kang nagtanong tungkol sa Parents ko?" He asked.

"Kasi naisip ko lang, madami pa pala akong hindi alam sayo." Nahihiya kong sabi.

"Tulad ng??"

"Tulad ng anong paborito mong ulam, kulay, may sports ka ba, kung may kapatid ka ba, kung ano ano pa."

"Hmm.. wala akong paboritong ulam, naging favorite color ko na ang purple alam mo na kung bakit.." he winks at me. I roll my eyes. Talaga naman, hindi na ata mawawala sakanya ang alala ng purple underwear ko. "Nung bata ko naglalaro ako ng tennis."

"Tennis?" Gulat kong tanong. He nods. I laughed. "Sorry di ko naimagine na naglalaro ka dati ng tennis. Kasi naman ang mga playboy medyo mahilig sa basketball."

He grins. "Mahilig kasi ang Mama ko sa tennis kaya nahawa ako, pero nung umalis sila ni Papa tinigil ko din."

"Do you still know how to play?"

"Yah, a little." Hmm.. mayaya nga siya next time, hindi ko sport ang tennis pero alam ko din naman laruin yun.

Finally narating din namin ang Unit ni Damon. Syempre dumiretso ako sa kwarto niya para makapag shower na, at makapunta kung saan niya planong icelebrate ang birthday niya. Nakalimutan kong tanungin kung saan kami pupunta after nito.

At dahil wala namang make up dito sa, hindi din naman ako nagdadala nun nasa bahay lang ang mga make up ko kaya plain ang mukha ko mula sa dress at sandals na pinili ni Damon para sakin.

Lumabas ako ng kwarto ni Damon at nakita ko siya sa sala niya na naghihintay. Tumingin siya sakin ng makita ako at tumitig sakin na ikinailang ko naman.

He stands and walked closer to me. "You looked beautiful." He admiringly said.

"Beautiful? Eh wala nga kong make up."

He grins "You still looked stunning."

"Thank you."

"Welcome, baby." He kissed my forehead.

"So, saan pala tayo pupunta?" I asked.

"Dito lang." He said chuckling.

"Nag bihis ako ng ganito, tapos dito lang pala tayo sa Unit mo?"

"Minsan lang kasi kitang makitang nakadress, lagi kang naka pants para maiba naman. Tsaka isa pa, birthday ko.. natupad na ang second wish ko."

"Second wish? What do you mean?"

"May mga wishes ako, ngayon birthday ko at sana matupad mo."

"It depends. Ano ano ba yun?"

"First, makasama ka. Second, makita kang naka dress. Third, mapagluto mo ko. Fourth, mag saya. Fifth, makatabi ka matulog." OhmyGod!

"Damon, mukhang magkakalabo tayo sa Fifth wish mo."

He laughed. "Matutulog lang baby, promise wala nang iba."

"Pagiisipan ko."

Hot Chick (Unedited)Where stories live. Discover now