Chapter One

3.2K 213 19
                                    

Paalala
This is a work of fiction.
Names, characters, businesses, places and incidents are product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual events, places, person, living or dead is purely coincidental.
No part of this story may be used or reproduced in any manner without the permission from the author.
Remember... PLAGIARISM is a crime!
All Rights Reserved.
Thank You!

####################

Cast of Characters:
Main Characters:
Nikki Cervantes
Axel Valderama

Supporting Characters:
Friends of Nikki:
Jade
Jessie
Mikha
Rose-ann

Friends of Axel:
Kenneth
Jhoel
Miggy
Tommy

Family of Nikki:
Tatay Noriel (father of Nikki)
Nanay Evangeline (mother of Nikki)
Nadine (little sister of Nikki)
Auntie Erna (Aunt of Nikki, sister of tatay Noriel and mother of Erwin)
Erwin Mendoza (cousin of Nikki)

Family of Axel:
Alexander (father of Axel)
Clareese (mother of Axel)
Reese (older sister of Axel)

Special participation of:
Lorri Pineda (buddy of Nikki)
Lyle Madrid (friend of Nikki in high school)
James Castro (friend and gangmate of Axel)
Charles (father of James)
Adrian (thin little boy)
Jacob (fat little boy)

Villain:
Max Loriego aka Big Boss

####################

Nikki

"TATAY!" sigaw ko.

At dali-dali kong nilapitan si tatay. Kasabay nang paglabas sa kuwarto ni nanay at ng kapatid kong si Nadine na five years old. Bigla kasing natumba si tatay. Kagagaling nito sa isang construction site, kung saan isa siyang trabahador.

Nine o'clock na ng gabi, gumagawa ako ng mga assignments sa sala. Nagbanyo ako sandali at paglabas ko siyang pagdating ni tatay. Hinahandaan ko na siya ng makakain nang bigla nga siyang bumagsak sa matigas na sahig.

"Tatay." umiiyak na sabi ni nanay at Nadine kasabay nang pagyakap sa kanya.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ni tatay at tumakbo palabas ng pinto. Pumunta ako sa kalapit bahay at dire-diretsong pumasok sa gate hanggang pintuan.

"Auntie Erna, Erwin! Tulungan niyo po kami." sabi ko habang umiiyak kasabay nang pagkatok sa pinto.

Bumukas ang pintuan at lumabas ang pinsan kong si Erwin. Kasunod ang auntie kong nabigla, pupungas-pungas pa dahil mukhang nakatulog na.

"Bakit? Anong nangyari?" magkasabay pa nilang sabi, bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala.

Bago pa man ako makasagot. Mabilis na bumalik sa loob si Erwin. Agad ding lumabas hawak-hawak ang susi ng sasakyan at ang isinusuot na niyang jacket.

"Si tatay po." iyon na lang ang nasabi ko sa pagitan nang pag-iyak at pag-singhot, habang tumatakbo kami pabalik ng bahay.

"Diyos ko! Anong nangyari sa iyo, Noriel." sigaw ni auntie Erna kasabay nang hagulgol nang makita ang sitwasyon ni tatay.

Agad namang binuhat ni Erwin si tatay palabas ng bahay at dali-daling isinakay sa van. Mabilis ko namang isinara ang pintuan. Nagsipasukan na rin kaming lahat sa sasakyan. At mabilis na dinala sa hospital si tatay. Diniretso sa Emergency Room si tatay kaya naiwan kami sa labas.

Umiiyak at nanghihina na napaupo sa upuan si nanay. Yumakap naman si Nadine sa kanya na agad niyang kinandong. Tumabi sa kanila ang umiiyak rin na si auntie Erna. Kabado namang naglalakad paroo't parito ng hallway si Erwin.

Hindi ko na din alam ang gagawin. Kaya nanghihinang napasalampak na lamang ako sa sahig. Niyakap ang mga tuhod ko, yumuko at tahimik na umiyak. Hindi ko na namalayan ang oras, napatayo ako nang lumabas ang doctor.

Agad na nagsilapitan sina nanay, auntie Erna at Erwin. Hinawakan ko naman sa kamay si Nadine. At pumunta kami sa likuran nila. Bago pa man may makapagsalita sa amin...

"Kailangan ng pasyente na mag-undergo sa cardiac surgery. Dahil may barado sa ugat ng puso nito at dapat siyang maoperahan agad-agad. Wala kaming angkop na kagamitan dito kaya dapat siyang madala sa Manila dahil nandoon ang hospital na kumpleto sa kagamitan." paliwanag ng doctor.

"Doctor, wala po kaming kakayahan para madala sa Manila ang asawa ko. Lalong-lalo na sa pagpapa-opera sa kanya." umiiyak na sabi ni nanay.

"Mabibigyan ko kayo ng recommendation letter at pwede rin ipahiram ng hospital na ito ang ambulansya. Tanging iyon lamang po ang maitutulong ko." sagot ng doctor.

"Salamat po. Doctor. Mag-uusap po kami at sasabihin namin agad sa inyo ang magiging desisyon namin." sabi ni Erwin.

"Walang anuman. Hanapin niyo na lang ako sa nurse station. Gagawa na rin ako ng medical records at recommendation letter incase anuman ang mapag-usapan ninyo." sabi ng doctor at umalis na.

Hinarap kami ni Erwin. Tulala naman kaming napatingin sa kanya.

"Madadala natin si uncle Noriel sa Manila at mapapaoperahan." sabi niya. Habang ang kanyang mga mata'y nakatitig sa akin.

Please continue!
Big thankie for reading! Votes and comments are highly appreciated.

Kindly read also my other stories:
Taming Sky My Prinsesa,
Demon Hunter,
Unforbidden Love,
Abduction.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now