Chapter Five

1.1K 181 23
                                    

Mikha (Nikki's friend)

Still Saturday Morning.

Umalis na iyong mga boys. Iniinom na lang namin ang mga kape. At maya-maya lang ay susunod na kami sa gym para manood ng try outs. Ng biglang...

"Sige girls, alis muna ako." tumayong pagpapaalam ni Nikki.

"Wait! what?" gulat kong sabi sabay hawak sa kamay niya.

"Nikki, manonood tayo ng try outs." sabi ni Rose-ann.

"They are expecting us." dugtong agad ni Jade na ang tinutukoy ay ang mga boys.

"Na-ah! not interested, kayo na lang, Mag-aadvance study na lang ako sa library." sabi ni Nikki.

"No! You won't." napalakas at sabay-sabay naming sabi kay Nikki. Kaya kami pinagtagpo-tagpong magkakaibigan eh iisa ang nilalaman ng mga utak namin.

"Girls, calm down, what's the big deal? It's just a try out." kunot noong sabi ni Nikki.

"Na-ah! They're our friends." diing bigkas ko.

"And na-ah! They're our boyfriends." sabay-sabay na sabi 'nong tatlo (jade, jessie and rose-ann) na may diin, gaya-gaya lang din eh.

"Kaya sasama ka sa amin. Sa ayaw mo at sa ayaw mo." sabi ko sabay pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. Dapat matakot na siya niyan.

Wala na ngang nagawa si Nikki. Kasi hinila na namin siya. Pinagitnaan naming apat at hindi na pinakawalan pa.

Medyo marami din palang manonood. Siguro curious din ang mga student kung sino ang papalit na Captain Ball at kung sinu-sino ang bubuo sa magic five o mythical five ng basketball team. 'Andito din ang coach nila to give support.

Pagpasok namin, agad naman kaming nakita ni Miggy o sadyang inaabangan talaga kami. Kumaway siya at itinuro ang benches sa likod ng mga bleachers, kung saan umuupo ang mga players kapag may game.

Iyong ibang boys naman nagsisipagshoot ng mga bola, lima 'ata iyong bolang pinagpapasa-pasahan.

Nagwhistle na si coach. Nadivide ang mga players sa two group para maglaban in half hour. So, the try out game started, kanyang-kanya pakitang gilas ang mga boys.

Screams also filled the gym, lalong-lalo na ang mga babae (kasama na ang tatlong kaibigan ko except Nikki na hindi maipinta ang face) na nagsisipagcheer sa kanilang mga boyfriends or crushes, i guess.

Kanina ko pa nga napapansin since the game started. Every after magshoot ng bola ni Axel, eh tumitingin siya sa lugar namin or should i say at Nikki. Na parang sinabing "Hey baby! that's for you." Kinikilig nga ako, promise!

Pero etong kaibigan ko eh deadma lang, siniko ko nga. "What?" poker face na sabi niya pinahahalatang bored na talaga siya.

"Could you just cheer and smile a little." nakangiti kong sinabi ng dahan-dahan.

"Mikha, don't start with me." sabi niya sabay itinaas pa ng point finger sa harap ng mukha ko. Here we go again.

"Sinasabi ko lang naman na someone is trying to get your attention. And it will help a lot if you could just spare a little smile and cheer. Look, i think lahat ng shoots niya para sa iyo." pagpapaliwanag ko.

"Who cares." mahinang sabi niya.

Aba! akala ko ba ako ang taray queen dito. May nakikipag-agawan sa korona ko eh. Itinaas ni Nikki ang phone niya na parang sinasabing may tawag siya at dali-dali nang lumabas sa gym.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now