Chapter Ten

899 163 10
                                    

Nikki

Pangalan niya ang huling nasa isip ko at hindi ako makapaniwala na siya ang nasa harapan ko nang magkamalay ako. He was crying, that had a big impact on me, ganoon ba talaga ako ka-importante sa kanya?

Nagalit siya, nagsorry naman ako at niyakap niya ako nang mahigpit. There again the strange feeling. Am i falling for him? Hindi ko na ba talaga mapipigilan 'to?

Inabot niya iyong bag niya na hawak ni Jhoel at may inilabas. Ipinasuot niya sa akin ang isang designer men's black t-shirt. Then, bigla niya ako binuhat.

"Axel, ibaba mo na ako. Kaya ko namang maglakad." sabi ko dahil ang lapit-lapit namin sa isa't-isa at hindi ako makahinga.

"No." matigas niyang sabi. "I'll carry you and take you home." malumanay na sabi niya at tumingin sa akin.

"Iyong mga bata." sabay lingon ko sa mga bata na inaakay na ng grupo.

"For once, Nikki. Isipin mo muna ang sarili mo. Basa ka at basa ako. Kelangan natin umuwi para makapagpalit, baka magkasakit ka pa." lintanya niya habang palabas na kami sa pool at diretso sa parking lot.

"Axel, wait up." sigaw ni Miggy.

Huminto naman kami, humahabol silang dalawa ni Mikha. Hawak ni Miggy ang bag ni Axel at hawak naman ni Mikha ang bag ko, hinanap niya siguro.

"Ok ka na, Nikki?" nag-aalalang tanong ni Mikha, tumango lang ako.

"Bro, can you get the keys and open the door." pakisuyo niya kay Miggy.

Kinuha naman ni Miggy sa bulsa ng harapang pantalon niya at pinatunog ang sasakyan bago binuksan ang harapang pintuan.

Dahan-dahan naman akong ibinaba ni Axel. Ilalagay na niya ang seatbelt ng luminga siya sa akin. Ako 'man ay nagulat at nanlaki ang mata, ang lapit-lapit ng mga mukha namin.

Tumitig siya sa akin, lumamlam ang kanyang mga mata.Huminga ng malalim at inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Damn, i really want to kiss you." bulong niya in a husky voice.

Napahawak ako sa dibdib ko, ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko. Isinara na niya ang pintuan. Bumaling siya kina Miggy at Mikha, kinuha niya iyong mga bag namin. Inilagay niya sa likod.

"Sige bro, kami na bahala dito, ingat kayo." narinig ko nalang na sinabi ni Miggy.

He hopped in the hood of the car, to get on the other side. Napanganga ako. Pumasok at pinaandar na niya ang sasakyan palabas ng university.

"Where to, our house or your's." tanong niyang luminga pa sa akin.

"S-sa b-bahay na lang." bulol kong sabi.

Dahil nataranta ako nang lumingon siya sa akin. Hindi pa ako nakaget over sa sinabi niya kanina. Pero mas wrong move, dahil itinigil niya bigla ang sasakyan, humarap sa akin at...

"What? are you cold? Why are you stammering?" puno ng pag-alalang sabi niya at dinama pa niya ng palad ang leeg ko at likod ng palad niya ang noo ko.

"You have a slight fever, baby." sabi niya at dali-dali na siyang bumalik sa pwesto niya at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"Axel, hindi ito ang daan papunta sa amin." sabi ko nang mapansin kong ibang way ang tinatahak namin.

"I know, wala ng oras para ituro mo ang daan papunta sa inyo. Kailangan mong magpalit ng damit at uminom ng gamot. Trust me baby, ok." sabi niyang hindi lumilingon sa akin dahil abala na siya sa pagmamaneho.

SNIPER ASSASSINΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα