Chapter Twenty Six

710 134 0
                                    

Monday again, nandito na kaming mga girls sa canteen. Papasok ang mga boys, pumila sa counter at nag-order. Bago umupo, he kiss my cheek at inilapag niya sa harap ko clubhouse sandwich.

Parang kumidlat or it's just me. Binalewala ko iyon. Hindi kami nag-uusap ni Axel at pormal siyang nakikipag-kwentuhan sa tropa. Nakikinig lang ako.

Nang kumidlat ulit, pakshet, napaparanoid ata ako. Papaanong kikidlat, ang ganda ganda ng araw. Pasimple ako tumingin sa bintana at sa glass door ng canteen. Parang may nagspark na maliit galing sa kakahuyan.

Tumayo ako bigla. Nagulat sila at napatingin sa akin. Hinawakan ni Axel ang kamay ko. May nagflash ulit, bakit ako lang nakakapansin.

"Ah, cr lang ako." paalam ko sabay dampot ng bag ko.

"Nikki, sandwich mo." sabi ni Mikha at ininguso pa ito. Dinampot ko ito at naglakad na.

"Nikki, i love you so much!" sigaw ni Axel, bago ako nakalabas sa pinto.

Hindi ko na lang pinansin. Lumabas ako at lumayo doon. Iginala ko ang mga mata ko at pasimpleng pumunta sa kakahuyan. May nakita akong tracks, may tao nga dito kanina.

Nalibot ko ang kakahuyan pero wala akong nakita. Pumunta na ako sa building namin at maghapong nagklase. Nakisabay ako sa girls palabas at papunta sa parking lot.

Kahit ganoon ang sinabi ko kay Axel, something inside me tells that i want to see him. Pagdating sa parking lot, agad akong sinalubong ni Axel. Hahawakan sana ang kamay ko ng may flash ulit.

"Changed your mind, baby?" sabi niya.

"Can you drive me home." sabi ko na nagpagulat sa kanya.

"Hindi mo na kailangan sabihin iyan. I've love to take you home." sabi niya pero nauna na ako sa trailblazer, agad naman niyang pinatunog para makapasok ako.

Nang makaupo na ako iginala ko ang mga mata ko labas. The feeling na may taong nagmamasid sa iyo. Pumasok sa si Axel at pinaandar ang sasakyan. Pasimple akong tumitingin sa likod, side, side ni Axel at sa harap.

Hanggang makarating kami sa subdivision. Wala ng flashes. Inalis ko agad ang seatbelt pagkaparada niya. Hahalikan sana niya ako, agad akong nag-thank you. Mabilis na bumaba at pumasok sa bahay.

The following day ganoon ulit ang nangyari. Light flashes, pero ako lang ba ang nakakakita. Kapag tinititigan ko naman ng matagal ang kakahuyan nawawala. O nakikita niya, na nakikita siya.

####################

Max Loriego aka Big Boss

Pagkarinig ko sa balita, medyo nagulat ako. First time nangyari ito. Alam kong magaling si Cervantes. Walang palya ang mga trabaho niya sa loob ng mahigit dalawang taon. Namatay naman ang subject, pero papaano kung nabuhay?

Magagawa ko bang ipapatay ang isa sa pinaka magaling kong asset. Malaki-laki rin ang nagastos ko sa kanya. Her rifle itself, one of the most expensive shotgun in the world, million ang halaga.

Ang pag-aral ng mga martials arts, hindi basta-basta training school. Well known at mamahaling school. Ang gastos sa pamilya niya at sa kanya. Ang bayad sa pagpatay niya. Hindi biro ang halaga.

Ako si Max Loriego alyas Big Boss. Boss ng isa sa pinakamalaking mafia sa Pilipinas at sa ilang lugar sa mundo. Sa akin lahat nanggaling ang perang ginastos at ginagastos kay Nikki Cervantes.

SNIPER ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon