Chapter Twenty One

751 135 6
                                    

Nikki

Nakatulog ako maghapon. Mild na lang ang nararamdaman kong sakit. Kelangan kong humingi ng apology kay Axel. Naguilty naman ako, inalagaan niya ako tapos sinungitan ko pa. Anong magagawa ko wala ako sa mood.

Hinanap ko ang phone ko sa sahig kasi alam ko nahulog iyon kanina. Wala, nakita ko sa kama. In-on ko, may message from Axel. "Baby, hindi na ako nakapagpaalam, but its doesn't mean na ok sa akin. You know i can't go without kissing you. Just rest ok. I love you so much".

Napangiti naman ako. I know i am already falling for him. Sino ba ang hindi. Axel is a kind of a guy that everything he does, he'll make sure that you'll fall for him. And i am, little by little.

Inisip kong mag-apology at magthank you ng personal. Maybe tomorrow kapag sinundo niya ako. Naglinis ako sa kwarto. Naligo, bumaba sa kusina at nagluto ng adobo at rice para sa dinner.

Eight na ng gabi, after cooking, tinakbo ko paitaas para magbihis at magsapatos. Dakma sa wallet ko. Bibili ako ng root beer or beer. I always drink this kapag first day ko talaga para lumabas lahat. Sabi iyan ng nanay ko.

Kinuha ko iyong bike ni Erwin, binati pa ako ni guard. Hindi daw niya ako nakita maghapon, nag-sign ako sa leeg ko 'dead'. Tumawa naman siya ng malakas, malakas din topak nito.

Umalis na ako at pumunta sa convenient store na lagi kong binibilhan. Damn, ang aga naman nilang magsara. Nagbike pa ako, humanap ng store na bukas pa. Ng may makita akong nagkakagulo sa isang madilim na kanto.

Kumulo ang dugo ko at umakyat sa ulo ko. Damn, kapag may ganito ako ayaw ko talaga ng naiinis. Limang lalaking mukhang mga aso ang pinagtritripan ang dalawang babae. Itinabi ko ang bike at lumapit.

Hindi nila ako napansin kasi nakatalikod sila sa akin at abala sa pagpapak sa dalawang babaeng umiiyak. Naghanap ako ng maaari kong gamitin, sakto may mahabang stick sa gilid. Dinampot ko ito.

Dahan-dahan akong lumapit at malakas kong sinipa sa likod iyong lalaking malapit sa akin. Napasubsob siya sa semento, nagdugo ang baba niya. Gulat naman napatingin sa akin ang mga kasama niya.

"Hoy mga askals, itigil niyo iyan." sigaw ko.

"Tang 'na, sino ka bang pakialamera ka." sabi ni german shepherd, siya iyong sinipa ko at sabay sabay silang nagsitayuan. Umatras ako sabay bali ng mahabang stick sa tuhod ko. Iwinasiwas ko ito na parang chakuu.

"Hoy, sa akin iyan. Bakit mo binali?" sabi ni chihuahua. 'paki ko'

"Umalis na kayo." baling ko sa dalawang babae, siguro matanda lang sa akin ng dalawa o tatlong taon. Katatayo lang nila ng tig-isa silang hawakan sa braso ni bulldog at pitbull. Napatiimbagang ako.

"Alam mo miss ganda, kung gusto mong maki-join sabihin mo lang, mas marami mas masarap." sabi ni poodle sabay labas ng dila. Damn, kadiri. At sabay-sabay silang nagtawanan.

"Tarantado, sinong may gusto sa kababuyan niyo ha?" mariing sigaw ko, pero sana isa-isa lang, taragis. Lima sila, magiging laman ako ng balita bukas kapag nagsabay-sabay sila.

"Ang tapang mo ah, pwes ibibigay namin sa iyo ang hinahanap mo." sabi ni german shepherd, siya siguro lider tinanguan si chihuahua at poodle.

Shit, dalawa, pero sige papayat naman mga ito. Si chihuahua maliit, payat at malalaki ang mga mata. Si poodle matangkad, payat at kulot ang hanggang balikat na buhok.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now