Chapter Twelve

874 165 7
                                    

Axel

Nagkanya-kanyang uwi na ang buong tropa pagkatapos naming kumain sa pizza house. At hindi ko hahayaang umuwi ng nag-iisa si Nikki. Ok sana kung wala si ate Reese, masosolo ko ang atensyon ni Nikki.

Ihahatid namin siya sa bahay nila. Excited at kinakabahan ako, 'parang meet the parents na ito'. Napangiti ako, handa naman akong humarap sa mga parents niya, malinis ang intensyon ko kay Nikki.

Nakarating kami sa malaking gate ng isang exclusive village. Pinahinto ako noong security guard at sumilip sa banda ni Nikki. Kumaway ang baby ko, ngumiti si guard. Naningkit ang mata ko at sinamaan ko siya ng tingin.

Agad siyang nag-iwas ng tingin, namula at napalunok. Tinapik naman ako ni Ate sa likod, nakita niya sa side view mirror ang ginawa ko sa guard.

Pang-pito ang bahay na hinintuan namin, pare-pareho ang laki at style, may sariling porch, may landscape sa harapan na may mga halaman at sa gitna pathway na sinlawak ng bukana ng porch.

Nauna ng bumaba si ate, excited. Tatanggalin na sana ng baby ko ang pagkakafasten ng seatbelt niya.

"Baby, let me do that for you." lambing ko sa kanya. Hindi ko na hinintay na sumagot siya, lumapit ako sa kanya at tinanggal ko. Hindi ko maiwasang ibaling ang mukha ko sa kanya. Napangiti ako, 'thank goodness, we're that closed that i could kiss her already. Lumaki naman ang mata niya at napanganga. 'Undeniably cute'.

"Hmm, don't do that baby. I can't control anymore." sabi ko sa paos na boses. Napapikit na ako at magdidikit na lang ang aming mga labi ng may kumatok ng malakas sa bintana.

Itinulak ako ni Nikki at dali-dali bumaba. Napamura ako. Paglabas ko ang sama ng tingin sa akin ni ate Reese. Siya pa ang may ganang magalit, sana hindi na lang siya sumama. 'I'm pissed, really pissed off.'

"Pasok muna kayo." sabi ni Nikki. Nauna ng nakaakyat at may kinuha sa bag, dumiretso sa pinto at sinusian. Bago pa kami makapasok.

"Ganda!" sabay-sabay kaming napalingon sa dumating. Kumunot ang noo ko at lumiit na naman ang mata ko, pinag-aaralan ko kung papaano ko sisirain ang mukha ng lalaking ito, 'Ganda, my ass.'

Natulala si ate Reese. 'Tsss." Agad namang lumapit si Nikki nang nakangiti.

"Erwin." bati niya.

"Erwin who?" tanong ko habang lumalapit lumiit lalo ang mga mata ko. Sumunod si ate, hinawakan niya ang isang braso ko.

"And you are?" tanong naman niyang nakangiti ng nakakaloko. 'Amputsa, nagawa pa nitong ngumiti. Smile as long as you want, kapag nabugbog kita tignan ko lang kung may maipakita ka pang ngipin.'

"Erwin who?" pang-uulit ko, bingi 'ata ito, hindi na nga kagwapuhan.

"Nikki's boyfriend." nakangiting sabi nito at inakbayan pa si Nikki. 'That's it. Pati mata at lamang-loob mo lalatayan ko at sisiguruhin kong hindi ka na makakatayo'. Susugurin ko na sana, nabitiwan din ako ni ate, nang kumawala sa kanya si Nikki at pumagitna sa amin.

"Stop it, you two." sabi niyang nanggigil. Nakamata lang si ate, parang nanonood ng live.

"Hahaha, you are funny boy. You are no match for me." sabi niya habang hawak ang tiyan, 'tss, nagawa mo pang tumawa, samantalang mapapatay na kita coz i'm jealous, fuckin' jealous, no one owns my baby except me, me alone.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now