Chapter Twenty Seven

681 128 4
                                    

Nakarating kami sa subdivision na wala ng umiimik. Pagtigil ng van bumaba si Axel bitbit ang bag ng baril. Inilahad ko ang nakakuyom kong kamao kay Lorri, at nagfist bump kami. Pagkababa ko, pinaandar na ni Lorri ang van at umalis.

Pagharap ko sa kanya, pahablot ko kinukuha ang baril, ayaw niyang ibigay. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Let go." mariing sabi ko.

"Why are you still mad at me." mahinang sabi niya.

"You still have the guts to ask that? Sh.t, Axel, wala lang ba sa iyo ang mga ito." galit, madiin at naluluha ng sabi ko.

"Baby, don't curse..." masuyong sabi niya.

"Don't tell me what to do. Shit, Axel. Magmumura ako hangga't gusto ko. You already made your point. Pero bakit kailangan ulitin mo pa. Hindi ka ba titigil?" sabi ko. Tears starting to fall on my face.

"No, you know i won't. I will take care, of your every need. Nikki, please baby, don't get mad, let's talk inside." umiiyak na ring sabi niya.

"You're not getting inside. Tigilan mo na ito. Layuan mo na ako. Umalis ka na. And please don't bother me anymore." sabi ko.

"No, you didn't mean that? I'm here to protect you. Pumayag ako ng humingi ka ng space kahit masakit. But not this one, surely not this one." umiiyak na sigaw niya.

"I mean every word. Hindi ko kailangan ng protection mo. You don't own me." sabi ko.

"Yes, i don't own you. You just belong to me." diing sabi niya.

"Damn, Axel. I do not belong to you." sabi ko.

"Why you're saying that, why always pushing me away. Nasasaktan ako Nikki, ang sakit sakit na. Hindi mo ba nakikita, nakalibing na ako sa pagmamahal ko sa iyo, hindi na ako makakaahon pa." sabi niya sabay hagulgol.

Damn, i did it again, I made my baby cry again. Anong gagawin ko? Alam ko ito ang makakabuti. He is better off without me and same goes to me.

"I'm not just pushing you away. Axel, i'm letting you go." sabi kong umiiyak pa din. Lumapit siya sa akin, ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya,nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

"No, please no. Ano pa ba ang kulang. Am i not a man for you. Tell me, lahat gagawin ko Nikki, what's not enough. Hindi pa ba sapat ang pagmamahal ko? Hindi pa ba ako sapat?" umiiyak na sabi niya sabay yakap sa akin.

"Please, Axel. Don't make this hard for both of us. Just go at huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan." sabi kong umiiyak at itinutulak siya. But he won't give in. Cupped my face again.

"Sabihin mo nga sa akin, minahal mo ba ako kahit kaunti. Kahit kaunti lang, Nikki?" umiiyak at nagmamakaawang sabi niya.

"No, hindi kita minahal." sabi ko sabay alis ng kamay niya sa mukha ko at mabilis sinusian ang pinto at pumasok. Closed the door behind me and cry.

Oo masakit, pareho lang naman kaming nasasaktan. Pero mas mabuti na muna ang ganito. Baka may magawa kaming paraan ni Erwin, para hindi ko magawa ang exam, dahil wala talaga akong pipiliin.

Nakatulog akong hindi na nakapagbihis. Hindi lang pagod ang katawan pati utak ko pagod na din. Wala na akong maisip na matino.

Kinaumagahan, sabay naming pinanood ni Erwin ang balita, naikwento ko na sa kanya na si Axel na naman ang bumaril. Ok naman ang nangyari kagabi. 'Dead on the spot' ang subject.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now