Chapter Twenty Eight

659 125 2
                                    

Axel

Dalawang linggo, dalawang linggo na magmula nang manlamig siya sa akin. Crazy, feeling ko nakipagbreak sa akin ang pinakamamahal kong girlfriend. Hindi ko nga alam kung mahal niya ako o hindi.

Ako lang ang nag-assume na may gusto rin siya sa akin. I thought all that i've done would be enough for her to fall inlove with me. Pero kulang pa, ano pa ang kailangan kong gawin?

Fuck, mapapatay ko talaga ang tarantadong Lyle na iyon. Nawala lang ako saglit, umatake na. Kung hindi lang ako inawat ng barkada, siguradong burado ang mukha niya. Ang kapal ng mukhang yakapin ang baby ko.

Kaya ba ayaw na niyang magpakita ako, para magkaroon sila ng chance ng Lyle na iyon. Anong bang meron sa tukmol na iyon na wala ako. 'Tsss, i have everything baby Nikki.'

Ganito pala kasakit, ang sakit-sakit lang. Nagkulong lang ako sa kwarto at ayaw kong kumain. The other night nagtakas pa ako ng alak ni daddy, para makatulog at makalimutan kahit sandali ang sakit.

Kagabi hindi na ako nakatakas ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si daddy, mommy at ate. Pagkabukas ng ilaw, they all gasp as they looked around my room. They have seen na punong-puno ng malalaking picture ni Nikki ang kwarto ko. No! my room is invaded.

Pinilit nila akong umamin kung anong problema ko. Sinabi ko ang totoo, lahat-lahat. After all, dad's a mafia too, under Loriego. Wala akong inilihim. Nagalit si daddy, bakit ko daw ginawa iyon? Dapat daw hindi ako nakialam. I just made the situation worse.

Ngayon lang nagsink in ang lahat sa akin. Kung anong bigat ang dinadala ni Nikki ngayon. Kung anong sakit ang nararamdaman niya. It's all because of me. Ang tanga-tanga ko kasi.

Mas dobleng sakit ang nararamdaman ko ngayon. Palihim akong kumuha ng alak sa bar. Last na ito, just to take the pain away. Pinatay ko ang ilaw at umupo sa baba ng kama.

Halos mangalahati ko na ang laman ng bote ng biglang bumukas ang pinto. Instinct na naiharang ko ang braso ko, para matakpan ang mata ko sa nakasisilaw na liwanag galing sa hallway.

Dire-diretsong lumapit sa akin ang invader na ito. Nang bigla niyang akong kwelyuhan at itinayo. Kahit mataas ako sa kanya, nagpantay lang kami dahil sa kalasingan hindi ko maidiretso ang mga paa ko.

'Booogsh' natumba ako sa kama. Halos mawalan ako ng malay. Hinead bat niya ako. Mahilo-hilong pinilit kong bumangon. Nawala ang kalasingan ko.

Hindi pa man ako nakakatayo ng 'bogsh', parang bakal na kamao ang tumama sa panga ko sa bigay niyang upper cut punch. Bumagsak ako sa sahig. Ipinilig-pilig ko ang ulo ko.

"Son of a bitch, who are you?" dura sabay ng paggala ng dila sa ngipin ko, baka nabawasan lalong aayawan ako ni Nikki.

Nang makatayo, pagharap ko 'bogsh' sinipa niya ako sa tyan. Napayuko ako, sisipain niya ang humanity ko nang mahawakan ko ng dalawang kamay ang paa niya. Naah, not this one.

Itinaas ko ang paa niya, ng bigla siyang magback tumbling at dahil sa ginawa niya nasipa ang mukha ko. Fucking shit, sisirain ba niya ang napakagwapo kong mukha? Mabilis akong nagpunta sa likod niya at hinila ang magkabilang kamay niya.

"Let go." sabi niya. Fuck, nanganganib na nga ang buhay ko. Boses pa ni Nikki ang naririnig ko.

Nang bigla niyang iniuntog ang ulo niya, sapol ang noo ko. Pakshet na malagket, mahilo-hilo na ako. Nasaan ba ang mga tang 'nang bodyguards 'to. Sila ang una kong mumultuhin kapag namatay ako dito.

SNIPER ASSASSINDonde viven las historias. Descúbrelo ahora