Chapter Thirty

1.4K 141 18
                                    

Hindi namin alam kung ilang oras kaming naghintay. Dumating na rin ang mommy ni Axel, na umiiyak. Niyakap naman siya ng daddy ni Axel. Si ate Reese, yakap-yakap ni Erwin. Si James at Lorri ang nakayakap sa akin, dahil ayaw tumigil ng mga luha ko. Nang lumabas ang doctor, nagsitayuan kaming lahat.

"Family of the patient." sabi ng doctor. Agad namang lumapit ang Daddy, mommy ni Axel at si ate Reese na katabi si Erwin.

Nakayuko ako sa likod naghihintay sa sasabihin ng doctor. May isang kamay ang masuyong humila sa akin. Pag-angat ko ng mukha, lumuluhang mata ng mommy ni Axel ang sumalubong sa akin.

"She's the girlfriend." sabi ng mommy ni Axel sa doctor. Tumango ito. Napayuko naman ako.

"Ginawa po namin lahat nang makakaya namin. Naalis namin ang balang tumama sa gitna ng batok at ulo niya. His vital organs are all stable now. Pero kailangan siyang iunder observation kaya sa Intensive Care Unit or ICU muna siya. Halos mawalan ng hangin ang utak niya sa dami ng dugong nawala. Pero sinasalinan na po siya ngayon. I'm sorry, i can't guarrantee a fast recovery for him. But, prayers will help. God can wake him up any time." sabi ng doctor.

Lumakas ang hagulgol, napaiyak na rin ang mga boys. "Thank you, doc." nakuha pang sabihin ng daddy ni Axel, habang umiiyak at yakap-yakap ang mommy ni Axel.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Five days ng nandito sa hospital si Axel. Five days na siyang tulog or in a coma. Five days na rin iba't-ibang test ang ginagawa sa kanya, dahil ok naman ang mga vital signs niya. Pero bakit ayaw niyang gumising.

Alam na rin ng buong tropa. Nagsigulat sila pero in the end, their support never fails. Kaya after school, diretso kaming lahat sa hospital kahit bawal, wala magawa ang mga nurses. Ikaw ba naman landiin ng anim na naggwagwapuhang lalaki. (Erwin, James, Kenneth, Miggy, Jhoel and Tommy)

Bumalik na rin ang mga ibang kasamahan ng daddy ni Axel sa Australia, even his gang. We are now free. Max Loriego is dead. Kasama ko na din sa bahay sina tatay, nanay at Nadine. Nakakabaliw lang kasi Axel's in this situation right now. At wala akong magawa.

Lumapit ako sa kama at masuyong hinawakan ang kamay niya. Hinaplos ko din ang buhok niya pababa sa hanggang pisngi. Pinagmasdan ko siya. Nag-unahan na naman ang mga luha ko.

"Ang daya mo naman. Diba sabi ko, ayaw kong maramdaman ang maiwan. Bakit pinaparamdam mo sa akin? I get your point, masakit. Masakit na masakit. I wish we could exchange places. Wake up already, diba tayo na. Papakita ko ng baliw na baliw ako sa iyo. Papakita ko na kung gaano kita kamahal. Sige ka, kapag hindi ka pa gumising, makikipagdate na lang ako kay Lyle." napahagulgol na ako.

Naramdaman kong tumahimik ang barkada. Tahimik na ring nagsisi-iyakan ang mga girls. Lumapit sa akin ang umiiyak na si ate Reese at masuyong hinaplos-haplos ang likod ko.

"Sabi ko sa iyo diba don't let your guard down, keep safe and stay alive. Ako, ako dapat ang nandyan, but you switch our places. Sana hindi mo ginawa iyon. Axel, handa naman akong mamatay para sa iyo. I deserve to die, dahil sa mga kasalanan ko. But not you." sabi ko sabay napaluhod.

Pilit akong itinatayo ni ate Reese, nagsilapitan na rin ang mga girls at lumuhod na nagsiyakapan sa akin. For a moment ganoon kami. Then, itinayo nila ako.

"Please baby, wake up already. I love you so much." sabi ko sabay halik sa mga kamay niya.

Isinama ako ng mga girls, para umupo at mahimasmasan. Walang umiimik tanging mga hikbi lamang ang maririnig. Alam ko nasasaktan rin sila, we're like brothers and sisters.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now