Chapter Twenty Four

765 131 6
                                    

Nikki

Nandito kami sa canteen, breakfast time. This time sinagot ko ang coffee ng girls, late kasi ako. Hindi ako nasundo ni Axel, maaga silang nagpractice ng basketball. Medyo busy sila this past few days, kasali sila sa basketball tournament.

But he always find time para magkita kami. Like right now, papasok ang boys dito sa canteen. Pero dumiretso muna sa counter para umorder. Naka-varsity shorts sila at nagpalit lang ng mga t-shirts.

"Eat more, baby." sabi niyang nilapag ang clubhouse sandwich sabay halik sa side ng ulo ko bago umupo sa tabi ko. Sanay na ako dahil every morning niyang ginagawa 'to.

"Salamat." sabi kong nakangiti. He hold my hand, interlock our fingers and kiss it. And again, he always do that.

"Girls, bukas na ang tournament. We expect you to be there." sabi ni Kenneth.

"Ilan ang school na kasama?" tanong ni Jade.

"Eight school, first by two's. Then kung sinong mananalo each game, maglalaban laban ulit. Hanggang dalawa na lang maiwan, para sa championship." sabi ni Miggy.

"So that means four times kayong maglalaro?" tanong ni Mikha.

"It depends, kung mananalo kami sa mga first games at makarating sa finals." sagot ni Jhoel.

"Edi, galingan ninyo para makapasok kayo hanggang finals at kayo ang magchampion." sabi ni Jessie.

"Kaya nga, we're asking for your presence para kayo ang number one cheerer namin." sabi ni Tommy.

"Sure boyfriend, gusto mo gumawa pa ako ng placards." sabi ni Rose-ann.

"How about you, baby?" tanong ni Axel sabay baling sa akin ng nakangiti. Nilaki pa ang mata, pero nanatiling nakangiti.

"Oo naman, manonood ako." nakangiting sabi ko.

"I mean, you will make a placard for me too, right?" sabi niya. Napanganga ako.

"How many times do i have to tell you, not to do that. Damn baby, i could kiss you right now." bulong niya sa akin. Agad ko namang sinara ang bibig ko.

"Parang oa naman 'ata iyon." pabulong kong sabi sa kanya.

"Rose-ann, oa ba ang paggawa ng placard?" biglang tanong niya kay Rose-ann. Damn, binulong ko na nga lang. Sinabi pa.

"Of course not, it's a one sign of supporting our boyfriends." sabi ng maarteng si Rose-ann.

"See, i expect you make one for me." sabi niya.

"You're still not my boyfriend." sabi kong nakangiti.

"Is that so, oh then maybe, we'll just pretend then." sabi din niyang nakangiti.

"Or better yet, bet with me?" sabi niya na napalis ang pagkakangiti sa labi.

"Ano?" sabi ko.

"If we made it until the finals at naging champion. Then sasagutin mo na ako." confident sa sabi niya.

"What if you didn't make it?" tanong ko.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now