Chapter Nineteen

751 145 13
                                    

Kumatok ako sa pinto, after a while pinindot ko ang doorbell. "Stop it dude, i'm coming." rinig kong sigaw mula sa loob. Napapikit ako at napatingala sa itaas. 'I really need to do this'.

Bumukas ang pinto "Seriously dude, at this hour of the night. Alam ba nina tito na 'andito ka? Coz if not, they will fucking gonna kill me." nanlalaking ang mga matang sabi ni James.

"No, kaya nga..." sabi ko ako.

"Ssshh... they're asleep." putol niya sa sasabihin ko. Pumasok siya, diretso sa second floor at pumasok sa kwarto niya. Sumunod naman ako. Naupo siya sa harap ng computer niya. Umupo naman ako sa gilid ng kama.

"They didn't know na 'andito ako, kaya nga hindi ako magtatagal." sabi ko.

"Fuck dude, i don't know what you're up to. But it better be good." sabi niya.

"Best of the best." sabi ko. Tumayo ako, dinampot ang sticky notes at ballpen sa study table niya na katabi ng desktop computer. Nagsulat at iniabot ang notes sa kanya.

"Nikki Cervantes." basa niya sa sinulat ko, napangiti siya at tumingin sa akin.

"Dude, she's everything to me, she's my air and my life." sabi ko.

"Photo?" tanong niya. Inilabas ko ang wallet ko sa harapang bulsa ng suot kong hoodie at binuklat sa harap niya.

"Whoah! siya si baby." sabi niya sabay hinablot pa sa akin ang wallet ko at pinakatitigan pang mabuti ang picture ni Nikki. "No wonder kung bakit ka na-inlove sa kanya. An angel in disguise." napatitig naman ako sa kanya.

"An angel in disguise hah." bulong ko na tumatak sa isip ko.

"Ok, dude give me two days." sabi niya habang iniaabot sa akin ang wallet ko, kinuha ko ito at ibinalik sa harapang bulsa ko.

"Parang ang tagal naman. Can you inform me tomorrow?" sabi ko habang pinapanood siyang idinidikit ang note sa gilid ng computer nito.

"Dude, 'asa 'pinas ka na. This isn't Australia na isang pindot mo lang lilitaw na agad ang hinahanap mo. Dito maghihintay ka pa ng oras." sabi niya sabay pinanlakihan pa ako ng mata

"Ok just inform me immediately kapag may nahanap ka." sabi ko.

"Oo dude, umuwi ka na nga, kinakabahan ako sa mga pinaggagawa mo eh." sabi niya at inihatid na niya hanggang sasakyan ko. "Dude, ingat ka ha." salute niya bago ko paandarin ang trailblazer ko.

Si James Castro, ay isang magaling na mafia hacker. Magaling rin siyang information seeker. One of my best buddies in Australia. Lahat ng information na makukuha niya, confidential talaga.

Hindi ko na alam kong anong oras ako nakatulog. Hindi ko alam kung tama ba iyong ginawa ko. Parang unfair kay Nikki, i should've ask her myself, pero alam kong hindi siya aamin.

Marami akong gustong itanong kay Nikki. Bakit niya kasama si Lorri Pineda? Bakit siya lumalabas ng ganoong oras ng gabi o lagi ba niya iyong ginagawa? Bakit ganoon ang suot niya, though i find her hot. Anong laman ng black bag kahit alam kong bag ng baril iyon. But i don't have the courage to do so.

Kinaumagahan, ten na ako nagising, excited ako. What to wear? Pakshet, daig ko pa babae nito sa kakapili kong anong isusuot ko. Then, finalized on shirt, jacket with hood, jeans and converse. Whew! ang hirap pumili ha.
This is it, our first official date.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now