Chapter Twenty Nine

694 121 2
                                    

Nikki

Maaga kaming nagising at nagpunta sa exclusive private shooting range. Lahat ng klase ng baril ay pinatry sa amin. Wala naman problema sa akin, Erwin, James, Axel, maging si ate Reese ay marunong din. Si Lorri lang talaga ang tinutukan.

Two o'clock ng bumalik kami sa mansion nila Axel. Ipinakiusap sa amin ang aming mga pamilya. Hindi ko alam at hindi din nila alam kung nasaan sila. Pero sinabi nilang huwag kaming mag-alala at nasa maayos silang kalagayan. Hindi namin pinaalam ang gagawin naming pagsugod. Dahil alam naming kokontra sila.

Umalis si Erwin, nang magsidatingan ang mga kagrupong mafia ng daddy ni Axel. Maging ang gang group ni Axel. Nakasuot silang lahat ng itim. Nasa fifty na katao plus kami nasa sixty lahat-lahat.

May mga dala-dala silang sampung mahahabang concrete wooden box at dalawang metal box ng bala, ammunition o ammo. Apat na tao ang nagbubuhat sa isang box. Pagkalapag, isa-isang pinagbubuksan at natambad sa amin ang mga naglalakihang mga baril.

Karamihan ay MP5 Rifle, para itong mini machine gun. Marami ang mapapatay nito sa isang putukan. Magaling silang pumili ng baril dahil alam nilang marami kaming makakalaban.

Nag-aayos na sila para sa plano ng dumating si Erwin na may dalang blue print. Ito ang design plan ng hide out ni Max Loriego na nakakubli sa isang remote place. Hindi ko alam na may kopya pala siya nito.

Malaki na parang tunnel ang hide out ni Loriego. Pinag-aralan namin ang papasukan, ang pasikot-sikot ng lugar at ang maaring labasan. Ang lugar ng mga tauhan, bodyguard at nilagyan ng x ang private room ni Loriego.

Iyon ang tinandaan ko. Dahil gusto ko ako ang tatapos sa buhay ng tusong si Loriego. Hindi man ako makalabas ng buhay sa lugar na iyon, sisiguraduhin kong matatapos lahat doon.

Ngayong friday night kami susugod, sa kalaliman ng gabi. Sigurado marami ang tulog sa mga tauhan ni Loriego. Wala siyang mahihintay bukas dahil sisiguraduhin kong bukas isa na siyang malamig na bangkay.

Isa-isang kaming binigyan ng task ng daddy ni Axel habang ibinibigay isa-isa ang MP5 rifle at mga ammo. Kinuha ko ang iniaabot sa akin, pero naagaw ng pansin ko ang kalalabas na machine gun.

"Oh no iha, i will not let you carry that." sabi ng daddy ni Axel na sinundan ang tingin ko at nagbalik sa akin.

"P-pero mas gusto ko pa iyon, h-huwag po kayong mag-alala, alam ko po siyang gamitin. At mas mataas po ang chance na magwawagi tayo kung iyan ang priority na gagamitin natin." sabi ko sabay balik sa daddy ni Axel ang MP5 rifle.

"I think, i'll have that one too, alam ko rin pong gamitin." sabi ni Erwin na nakatingin din sa machine guns.

"I think they right, the kids have a point." sabi ng papa ni James.

"Then i will use that too." sabi ni Axel na nakatingin sa akin.

"Ako rin tito." sabi ni James. Napatingin sa amin ang daddy ni Axel. Napabuntong-hininga.

"Alright then, but promise me, use it with care. With great power comes great responsibility, remember that." sabi niyang nakangiti.

Nagsibihis na rin kami. Si ate Reese ang nagpahiram sa amin ni Lorri ng damit since hindi naglalayo ang mga katawan namin. Si Axel naman kay Erwin at James. And we are all wearing black.

Nasa second floor kaming mga kabataan habang naghihintay ng go signal, nang pumunta si Axel sa balcony. Nagsign si ate Reese na sundan ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sumunod sa balcony.

SNIPER ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon