Chapter Eleven

977 159 5
                                    

Nikki

Tumawag muna si Axel kay Kenneth. Sinabi na gusto kong bumalik sa university at kamustahin iyong dalawang bata. Mabuti at tumawag muna siya kasi nasa hospital daw ang buong tropa. Dahil dinala ng mga magulang ang dalawang bata.

Noong pagkaalis daw kasi namin, tinanong ni Kenneth iyong batang mataas na payat kung saan sila ihahatid. Sinabi nito na teacher daw ang mga mama nila sa school na iyon.

Dinala nila sa clinic ng university ang dalawang bata, tinanong noong nurse ang pangalan at pina-page ang mga ina.

Dali-dali naman daw dumating ang mga ina, sinabi daw ni Kenneth ang pangyayari. Kahit sinabi ng nurse na ok na ang dalawang bata, ipinasya pa rin daw ng dalawang ina na dalhin sa hospital ang mga anak at tinawagan ang kani-kanilang mga asawa.

Sumama naman daw ang mga boys sa hospital. Sumunod na lang ang mga girls at doon na rin nagkita-kita ang magpapamilya.

Lumabas na kaming dalawa, pumunta naman sa kwarto niya si ate Reese at nagbihis. Pumunta si Axel sa trailblazer niya. Kinuha ang mga bag namin, isinabit niya ang backpack ko sa balikat niya.

Habang lumalapit nakayuko siyang may kinukuha sa bag niya. Pagharap sa akin, iniabot niya sa akin iyong clubhouse sandwich na ibinigay niya kanina sa canteen. Napakunot noo ako.

"I told you its for you." nakangiting titig niya sa akin. Napangiti na rin ako.

"Salamat, dito sa sandwich at sa pagtulong sa akin. You really save my life. And sorry rin sa inasta ko kanina sa canteen." sabi ko nang nakayuko, nahihiya kasi ako. Pagkatapos ko siyang awayin siya pa ang tumulong sa akin.

"Hey, ako nga dapat mag-sorry, i yelled at you. At hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo. Baby, you should know that by now ha." malambing niyang sabi habang masuyong itinaas ang baba ko para magkatinginan kami.

At ikinulong ng magkabilang-palad niya ang mukha ko. Punong-puno ng pagmamahal ang mga mata niya, pumungay pa ito. Napatitig naman ako doon at napalunok.

"Baby, can i kiss you?" sabi niya sa namamaos na boses. Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang kumontra. "You know, i take no for an answer." lalo pa niyang nilapit ang mukha niya sa akin.

Wala siyang pakialam kahit na nandoon ang mga bodyguards. Napatingin siya sa labi ko, bumalik ang tingin sa akin ng nagmamakaawang niyang mga mata at balik ulit sa labi ko.

Lalong lumaki ang mga mata ko at hindi ko alam na napanganga ako ng bahagya, kinuha niya ang pagkakataon iyon para sakupin ang mga labi ko.

He closed his eyes, his kisses are mild and gentle. I can feel butterflies inside my tummy. I can't breath.

Mabigat ang hininga niya ng tumigil, nanatili pa ring siyang nakapikit, idinikit niya ang noo niya sa noo ko.

"Your lips are soft and sweet, i love it and i think i'm already addicted to it." sabay haplos sa ibabang labi ko. Hahalikan niya ulit sana ako ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas si ate Reese.

Napamura siya, mabilis ko naman siyang itinulak, nagulat siya sa ginawa ko at kunot-noong napatitig sa akin. Nagulat din si ate Reese pero napangiti ng ubod tamis.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now