Chapter Thirteen

888 157 12
                                    

Jade (Nikki's friend)

As usual 'andito na naman kami sa canteen, breakfast time. And as usual late naman po ang aming mahal na si Nikki, kaya sagot niya ulit ang mga coffee namin. Sanay na sanay na, walang kadala-dala.

Masaya kaming nagkwekwentuhan about sa nangyari sa hospital.

Ng biglang umingay kasi nagtatakbuhang papalapit sa amin si Jacob at Adrian, diretso sa kinaroroonan ni Nikki. Naguunahan sila.

Nauuna si Adrian. Biglang umiyak si Jacob maski kami nagulat. Bumalik naman agad si Adrian. Aamuin sana si Jacob ng biglang tumakbo ng mabilis si Jacob papunta kay Nikki. At naiwang natulala si Adrian. Pati kami natulala.

"Hello po ate Nikki, miss na po kita." sabi ng chubbing si Jacob at inilahad pa ang dalawang kamay na nagpapayakap kay Nikki, ang cute-cute talaga sarap panggigilan.

"I miss you too." sabi naman ni Nikki at niyakap si Jacob.

"Aww, kami hindi mo na-miss." sabay-sabay naming sabi, 'yan kaming magkakaibigan iisa takbo ng utak.

"Tsss, bitaw na Jacob. Ang daya daya mo iyak-iyak ka pa hindi naman totoo." sabi ni Adrian na nakasimangot habang tinatanggal ang mga kamay ni Jacob na nakapulupot pa sa katawan ni Nikki.

Nag-katinginan kaming magkakaibigan at nagtawanan. Parang si Axel lang ang peg, younger version.

"Halika dito, Jacob." tawag ni Mikha. Nag-aatubili pang lumapit sa amin. Ng makalapit unahan kami sa pagyakap at pagpisil sa mga pisngi niya. Nakatingin lang si Adrian kay Nikki.

"Want to hug me?" sabi ni Nikki. Nanlaki at mga mata ni Adrian at tumango. Niyakap siya ni Nikki at nagkatinginan kami ni Mikha 'coz Adrian blush, cute.

"Bakit kayo nandito? Wala ba kayong pasok?" tanong ni Nikki habang pinakakawalan si Adrian na umupo na sa tabi nito. Malamang kapag 'andito si Axel, puro mura na ang maririnig mo.

"Later at ten. Earthquake drill pa daw sabi ni mommy." sabi nito habang nakangiting nakatitig kay Nikki.

"Can we eat too?" sabi ni Jacob na nakatingin sa mga pagkain sa mesa na nagpatawa sa amin.

"Of course baby, you don't have to ask for it." sabi ni Nikki na akmang tatayo na sana para umorder ng bigla namang hawakan ni Adrian ang kamay niya, napatingin kaming lahat sa kanya.

"Call me baby too! Jacob lang itawag mo sa kanya o kahit ano." sabi nito. Naghagalpakan kaming apat sa sinabi ni Adrian. Sinaway naman kami ni Nikki kahit kitang-kita naman na natatawa na rin siya.

"Oookay, baby. Jacob, ano gusto niyong kainin?" sabi ni Nikki na nakangiti.

"Spaghetti, burger, ice cream, cake at fries po sa akin." sabi naman nito kaya nanlaki ang mata namin at sabay-sabay kaming napalingon kay Jacob. Seriously, dadaigin niya talaga ako.

"Jacob, isusumbong kita kay tita. Spaghetti at hot choco na lang po sa aming dalawa." sabi ni Adrian kay Mikha, na parang sinasabing ikaw na umorder. Tumayo naman si Rose-ann...

"Let's go, Mikha. Tayo na oorder. I think Nikki's bodyguard, won't let her go anywhere out of his sight." sabi ni Rose-ann na nakairap pero nakangiti naman.

Pagkatayong-pagkatayo ni Mikha since siya katabi ni Nikki sa left side, Adrian's on the right, lumipat agad si Jacob. Nagtawanan na naman kami kasi ang sama ng tingin ni Adrian sa kanya.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now