Chapter Fourteen

869 156 10
                                    

Axel

Ipinarada ko na ang trailblazer ko sa parking lot. Paglabas ko siya namang pagparada ng sasakyan ni Miggy. Naka-park na ang mga sasakyan nina Kenneth, Jhoel at Tommy. Hinintay ko siyang lumabas.

"Bro, do you have time? Can we talk?" tanong ko habang lumalapit sa kanya.

"Sure bro, tungkol ba saan?" nakangiti niyang tanong.

"Sa garden na lang, bro." nakangiting sabi ko at sabay na kaming naglakad papunta sa garden. Mabibilang ang mga student na 'andoon. Dumiretso siya sa isang bench.

"What's up, bro?" tanong niya habang umuupo. Tumayo ako sa harap niya at biglang lumuhod, its now or never.

"What the fuck, bro?" sigaw niya sabay tayo.

"Bro, calm down. Could you just hear me out, first?" sabi ko sa malumanay na boses. Tinignan niya ako, kumunot-noo, nameywang, lumapit at yumukod para magpantay ang mga tingin namin.

"I've should have known it. Nikki isn't it." igting ang bagang sabi niya sa akin, tinitigan ko rin siya sa mata. 'Yes its all about her' sabi ko sa isip ko. Bumuntong-hininga siya ng malakas, umiwas ng tingin at biglang.

Booogsh. The fuck, he just punch me. Napahiga ako at hinimas-himas ang gilid ng labi ko at pinasadahan ko din ng dila ang harapang mga ngipin ko. Naidura ko pa ang konting dugong nalasahan ko.

Kung hindi ko lang kailangan gawin ito kanina pa ako nakaganti times two pa. Pigil ang hiningang nag-angat ako ng tingin at palad niyang nakalahad ang sumalubong sa akin.

Iniabot ko naman iyon at bumalik ako sa pagkakaluhod. 'i need to do this.'

"Talk... it better be good." nanggigil pa ding sabi niya at umupo para makinig.

"Bro, i know you're also into Nikki. And i'm asking you, to please let go. 'Coz you know that whatever happens, i will never ever let her go." seryosong sabi ko. Kumunot-noong napatitig siya sa akin at nag-tiimbagang.

"You have the guts to tell me ha. Kahit wala naman akong ginagawa." sabi niyang may diin.

"Hihintayin ko pa bang may gawin ka at magkagulo tayo. Bro, lalaki din ako. I can see the way you look at her and i don't like it, just fuckin' damn don't like it." sabi ko. True to my self i really mean that.

"Fuck you! Am i that big threat to you?" mahinang sigaw niya sa akin.

"Yeah, curse me as much as you want. Bro, i respect you that much. You are really a brother to me. At ayaw kong humantong na maging threat pa tayo sa isa't-isa dahil kay Nikki. Sabi ko nga sa iyo, hinding-hindi ko siya ibibigay kahit kanino. Kaya ginagawa ko ito, anything and everything for Nikki, i'm all out on this. That's why i'm talking to you brother to brother." mahinahong sabi ko. Wala akong pakialam kung may mga nakatingin na sa amin, dahil nakaluhod ako. Fuckin', don't care anything except my baby.

"You are really fuckin' possessive ha. You really fall into her, that hard, can't imagine." sabi niya ng malumanay. Nakahinga naman ako.

"Bro, sapul na sapul eh. Alam mo iyong puso ng puso ko. Doon ang tama ng pana ni kupido, tagus-tagusan." madrama kong sabi sabay suntok-suntok sa dibdib ko.

Tinitigan niya ako, bumuntong-hininga, tumayo at naglahad ng palad. Inabot ko naman sabay tayo.

Ngumiti siya..."Ok. I'll give way, brother to brother." sabi niya habang tinatapik ang balikat ko.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now