Chapter Twenty Two

727 132 5
                                    

Nahiga ako sa kama at hindi ko na namalayang nakatulog pala ako dahil sa sobrang pagod. Nang bigla akong nagmulat ng mata, may braso kasing nakayakap sa beywang ko at lalo niya itong hinigpitan.

Iyong lamp shade sa may side kong table lang ang nakabukas. Napastiff ako, ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko. Mahina pa siyang humihilik. Napatingin ako sa wall clock, three o'clock in the morning.

Papaano pa ako makakatulog nito. But being in his arms feels really good. Wala akong maramdamang mali, just comfort and love indeed. Dahan-dahan akong umusod palayo konti at dahan-dahan ding tumagilid para hindi siya magising.

Nakaharap na ako sa kanya ngayon. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha, bakas ang nagingitim na pasa sa bandang baba niya, iyong sinuntok ni pitbull.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi na ako makahinga. "Bakit ganito na kalakas ang epekto mo sa akin? Ito na ba 'yon? Am i really falling for you now? For real?"

Masuyo kong pinadaan ang thumb ko sa pasa niya. 'Dahil sa akin kaya ka may ganyan'. Nagmulat siya ng mata. Ang babaw naman ng tulog niya. Nagkakatitigan kami. Umangat ang palad niya at hinawakan ang daliri kong nasa part ng baba niya.

Inilagay niya sa pisngi niya ang buong palad ko at napapikit. Napangiti naman ako. Nagmulat siya ng mata at binitiwan ang kamay kong nanatili sa pisngi niya. Siya naman ang humawak sa pisngi ko.

"Can you feel it now?" sabi niya in a husky tone. Kinuha niya ang kamay kong nasa pisngi niya at inilapat sa dibdib niya. "Can you feel that too?" mabilis at malakas ang pagpintig ng puso niya.

"W-why me?" sa wakas nasabi ko din.

"Why not you? Why need reason?" balik tanong niya sa akin.

"Because, i know you deserve someone else." mahinang sabi ko.

"I love you so much because that's what i feel. Ikaw lang ang gusto at isinisigaw ng puso at utak ko. Gagawin ko ang lahat para maging tayo forever. Hinding hindi ako papayag na hindi ikaw ang makasama ko habang buhay. And i know i'm not capable of loving someone else. It's only you baby. Now, tell me, will that be enough reason for you to love me back?" seryosong sabi niya.

Tumitig sa akin ang nagmamakaawa niyang mga mata. His eyes speaks too. Tumango ako.

"I want to hear it." bulong niya.

"I think i'm falling for you." sabi ko. Napangiti siya.

"You really have your ways of saying it ha. You, my sadist angel is torturing me. But i'll wait, i'll wait until you say it with your whole heart and being." sabi niya.

He leaned forward and claimed my lips. Bahagya pa niyang pinaling ang ulo para masakop niya ng lubusan ang mga labi ko. Butterflies inside me tummy awakens. We just shared a passionate and sweet kiss.

###################

Axel

Dahil sa nangyari, nagpaalam ako kay Erwin na samahan muna si Nikki. Sabi niya sa mahabang sopa ako matulog. Utot niya, 'i respect my baby that much at alam ko ang limitation ko, bilin ni tatay.'

Pagpasok ko sa kwarto ni Nikki, she is already sleeping. Wala akong dalang damit so inalis ko na lang ang sapatos ko at dahan-dahan sumampa sa kama. Kiss her forehead and lay down beside her. At dahil sa pagod at bugbog na katawan, agad akong nakatulog. Of course, dahil kayakap ko rin ang baby ko.

Kinaumagahan, five am, nauna akong nagising. Claimed my baby's lips again kahit tulog siya. Vitamin ko iyan. Naghilamos at lumapit sa study desk niya.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now