Chapter Seven

1K 171 6
                                    

Nikki

Sunday morning.

Nagising ako sa alarm ng relo. Quarter to ten at sinasadya ko talagang ganitong oras magising, bumangon, dumiretso sa banyo, naghilamos, nagmumog at nagpalit ng pambahay.

Lumabas sa kusina at nagluto ng almusal. Dinala ko sa sala at binuksan ang tv.

Sakto, balita na. Ngayon ko kasi makikilala ang taong pinatay ko kagabi, panigurado laman na siya ng balita. Ganito palagi, noong una hindi ko alam. Si Erwin ang nagsabi sa akin.

"Isang kilalang personalidad ang binaril sa ulo kagabi. Sa labas ng isang mamahaling restaurant kung saan diumano'y naghapunan ito. Ayon sa apat na bodyguard ng biktima. Sa sobrang bilis nang pangyayari hindi nila nakita ang suspek o kung saan nanggaling ang bala." sabi ng reporter.

Nagsabi din ng maikling impormasyon tungkol sa biktima ang reporter. Pangalan, edad, nature daw ng trabaho nito at konting impormasyon tungkol sa pamilya nito.

At dyan ko nakilala ang pinatay ko kagabi. Inuusig din naman ako ng konsensiya, what to do nagawa ko na. Sanayan lang nga 'diba.

"We are doing what we can. Para mahuli ang taong nasa likod ng mga pagpatay na ito." papogi namang sabi ng isang police na ininterview. 'Andito ako! sabi ko na lang sa isip.

"Sir, ayon sa nakalap naming impormasyon ang biktima ay isang drug lord. Totoo po ba ito?" tanong ng reporter.

"Hindi pa namin alam sa ngayon. We will do more deep investigation. Pero sa ngayon, pagbigyan muna natin ang hiling ng pamilya. Privacy para sa burol ng biktima." sabi ng pulis sabay paalam.

Napabuntong hininga na lamang ako sabay patay ng tv. Kakain na lang ako at mamaya ay family day namin. Hindi literal dahil magskype kami ng pamilya ko.

Ibinilhan ko sila ng computer at pinakabitan ng internet ang bahay. Perks of being in an organization. Sa ganoong paraan man lang maibsan ang pangungulila at pagkamiss ko sa kanila.

Kumakain na ako nang bumungad si Erwin.

"Tamang tama makikimeryenda ako, ganda." sabi niya sabay abot ng isang kapirasong papel sa akin.

"Almusal ko pa lang 'to." sabi kong tiningnan 'yong papel.

Isang slip galing sa bangko. Kinukumpirmang may pumasok na pera sa acccount ko. Kabayaran nang ginawa ko kagabi.
Hindi ko nga alam kung nabayaran ko na ba iyong mga nagastos nila sa pampapahospital kay tatay noon.

Kapag tinatanong ko naman si Erwin. Sabi niya kapag daw may nayari akong pinakaimportanteng tao doon pa lang sasabihin ni Big Boss kung may utang ba ako o wala. Ang gulo diba, ako din eh naguguluhan.

"Wala na namang lead! Good job." sabi ni Erwin sabay gulo sa buhok ko. Malamang napanood na niya ang balita.

"Magdadalawang taon ko nang ginagawa, palpak pa ba naman ako. Isa pa ayaw kong magkapalit kami ng pwesto." sabi ko sabay hawi ng kamay niyang nasa buhok ko.

"Na hindi ko rin hahayaang mangyari." seryoso pero nakangiting sabi ni Erwin at sumubo na ng pagkain.

Oo, nababalitaan namin na kapag hindi nagawa ng isang sniper assassin ang trabaho nang pulido. Kunwari, nabaril nga niya iyong nasa picture pero nadala sa hospital at nabuhay.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now