Chapter Fifteen

899 157 7
                                    

Axel

Simula ngayon ihahatid sundo ko na si Nikki. Actually, dapat susunduin ko siya the day after the incident. Kaso, fuck i'm pissed dahil hindi siya sumasagot sa mga tawag ko.

But the main reason is, na late akong nagising. Hindi ko kasi alam kung anong oras na ako nakatulog kakaantay sa replies niya.

Nadagdagan pa ang inis ko ng makita ang kutong-lupa na iyon, nakaupo pa sa pwesto ko. And worse alam kong sila ang dahilan kung bakit natapunan ng hot choco si Nikki.

But of course pinalampas ko lahat iyon. Seeing my baby in my shirt, nawawalan ako ng bait. Tapos jackpot pa, i held her soft hands again. 'Heaven'

After i talked to Miggy, gumaan ang dibdib ko. I really appreciated what he did back there, kasi kung hindi, hindi ko siya titigilan, i will do it over and over again.

Damn, don't care magmukha man akong tanga. And i'll fuckin beat every guy swooning over my baby.

Papunta na kami ng boys sa accountancy building para sunduin ang mga girls at ihatid. Sina Jade, Jessie at Rose-ann lang ang lumabas galing sa ladies cr.

Luminga-linga ako at hahakbang na sana papunta sa classroom nila ng...

"Oh sorry Axel, nauna na sila. Nagpasama kasi si Nikki kay Mikha na mag-grocery." sabi ni Jade. Nalungkot naman ako akala ko pa naman maihahatid ko na siya ngayon.

"Hey bro, cheer up. Why don't you visit her instead?" sabi ni Kenneth. Kumislap ang mata ko, oo nga ano.

"Thanks bro, you gave me an idea." sabi ko. Naglakad na kami pababa at diretso sa parking lot.

"Nangangamoy ligawan na ito." sabi ni Jhoel sa walang kamatayang paquiao moves. 'Hmmm, why not'. Nagpangiti sa akin sabay hawak sa ibabang labi ko.

"Oh mee gee. Kinikilig ako. I wanna die now." famous line of Rose-ann. Kantyawan na. 'I look at Miggy, nag-thumbs up sign siya.' Tumango naman ako.

"Ingat-ingat, see you tomorrow." kanya-kanyang sabi habang nagpapaalaman. Pumasok na din ako sa trailblazer ko, kanya-kanyang busina hanggang isa-isa ng umalis. Dumiretso ako sa mall, pumasok sa pizza house at umorder ng...

"Well, well. I don't expect to see the great Axel Valderama here." sabi ng lalaking papalapit sa akin.

"James? You're here, dude?" gulat kong tanong sa kaibigan ko. Isa siya sa gang member ko sa Australia, a brother to me too.

"Whoah, dude ganyan mo ba akong babatiin?" sabi niyang nakangiti sabay lahad ng palad, nagkamay kami at nagtapikan sa balikat. "Busy? wanna hang a bit?" tanong niya sabay turo sa isang mesa.

Tumango ako. Sumenyas na ako na oorder ng pagkain. Nauna na siya sa mesa.

Umorder naman ako ng ipapasalubong ko kay Nikki at ng kakainin namin ni James. At lumapit sa mesang kinaroroonan niya at umupo.

"You're here for good?" tanong ko sa pagitan ng pag-nguya sabay tingin sa kanya.

"A-hah." sagot naman niya na ngumunguya din. "Kasama ko sina papa." natigilan naman ako at napatitig sa kanya.

"It's getting worse ha." buntong-hiningang sabi ko at ibinaba ang kinakain kong pizza at uminom ng soda. Bumuntong-hininga din siya at uminom.

"Medyo, though hindi pa naman ganoon kalala, unlike sa ibang lugar. Talagang traidoran na ang nangyayari. Mas mabuting manahimik, kesa pumapel, tapos buhay mo. Every week, isang malaking tao ang namamatay at walang lead. Ganoon magtrabaho si Big Boss." paliwanag niya.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now