Chapter Three

1.4K 194 9
                                    

Nikki

Saturday morning.

It's four thirty in the morning. 'Andito ako sa lugar, kung saan gagawin ko ang exam mamayang ten ng gabi. Pinag- aaralan ko ang lugar. Ganito naman palagi. Sa loob ng isa at kalahating taon, nasanay na ako.

Ang laman ng brown envelope ay isang picture ng tao. At isang simpleng mapa kung saan nakahighlight ang lugar nang pupuntahan ng taong nasa picture. Iyon lang, wala ng iba.

Hindi ko siya kilala dahil walang pangalan sa likod ng picture. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya papatayin. Basta ang alam ko lang kailangan ko siyang tapusin. Dahil iyon ang trabaho ko at iyon ang utos ni Big Boss.

Nasa akin naman kung saan ako pupwesto. At kung saan dapat maghihintay ang van na minamaneho ni Lorri. Ang buddy ko sa trabahong ito.

Para kapag nagawa ko ang exam madali akong makakaalis sa lugar, incase na magkagulo. At mabilis akong makakapunta sa sasakyan kong van na dala ni Lorri.

Since nag-start akong magtrabaho. Siya na ang ibinigay na partner ko. Wish ko nga sana palit na lang kami ng pwesto.
Papaano magdrive lang naman kasi ng van ang toka niya.

At magsabi ng 'Mission Accomplished.' Pagkatapos kong gawin ang my so called 'exam'.

Pagkatapos kong pag-aaralan ang lugar. I did my morning routine, nag-stretching muna ako tapos nag-jogging ng thirty minutes hanggang pabalik nasa bahay.

"Ok na iyong lugar?" tanong ni Erwin. Nakaupo siya sa porch ng kanilang bahay at kasalukuyang nagkakape.

"Yap, ayos na! Sige, may pasok pa ako." sabi ko sabay tango sa kanya.

"Ganda, ingat ka, ok." pahabol na sigaw niya.

Kahit siya ang nagpasok sa akin sa organization. Alam ko namang nagawa lang niya iyon para tulungan kami ng pamilya ko. Isa pa nasa akin pa din ang huling decision noon.

At hindi nawawala ang pag-aalala niya sa akin sa tuwing lumalabas ako ng sabado ng gabi. Hindi para magparty kundi para pumatay.

"Always." sigaw ko at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nag-ayos na ako ng sarili para pumasok sa university at mag-aral.

Lumabas na ako ng bahay, naglakad palabas ng subdivision. Wala naman kasing pumapasok na taxi dito. Para saan pa may kanya-kanyang sasakyan ang mga tenant dito.

Ako lang ang wala para saan pa dagdag utang ko pa iyan kung sakali. Isa pa practical akong tao, hindi siya needs dagdag gastusin lang.

Malayo pa sa gate ng university nang matanaw ko na ang apat kong kaibigan, doon kasi kami naghihintayan.

Si Jade, matakaw type pero kuripot. Si Mikha, seryoso type pero nangunguna sa kalokohan. Si Jessie, old school type pero nangunguna sa makabagong mga gadgets. At si Rose-ann, maarte type pero hindi malandi. Magkakaklase kaming lima, block section, same course Accountancy.

"Hello girls." bati ko sa kanila.

"Late ka na naman, Nikki." nakasimangot na sabi ni Jessie.

"Oy! Hindi pa ako late, six thirty pa lang kaya. Tsaka eight thirty pa start ng klase natin ano." sabi ko sabay akbay sa kanya.

"Late ka sa breakfast natin ng thirty minutes so ikaw taya sa coffee." maarteng sabi naman ni Rose-ann na pumagitna sa aming apat. She cling her both hands on Jessie's arm and Mikha's arm.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now