Chapter Twenty Three

671 133 6
                                    

After school, hinatid ko na si Nikki sa subdivision nila. I stayed for a while at nagkwentuhan kami.

Nang matanggap ko mula kay James ang personal information ni Lorri Pineda sa phone ko. Nagpaalam na ako sa baby ko. I'll just call or text her later. Pagsakay sa sasakyan ko, inilabas ko muna ito sa dubdivision at kinontak si James.

"Dude, sasamaham mo ba ako?" tanong ko agad pagsagot niya ng 'Dude'.

"Oo naman. I don't want to miss this. Sunduin mo na lang ako dito sa bahay." sabi ni James.

"Ok, be ready. I'll be there in a flash." sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinaharurot ang trailblazzer papunta sa bahay nila James.

Pagkarating, i honk the car horn. Lumabas naman agad siya, nakaready na nga. Agad sumakay, pagkaupo may iniabot sa aking papel. Napatingin ako sa kanya.

"Complete address of this Lorri Pineda, dude. By the way, who's she?" sabi niya sabay ngisi.

"She's a long time acquaintance, high school bestfriend ni ate Reese." sabi ko. Yeah, kaya familiar siya sa akin. Isa siya sa mga bestfriend ni ate sa highschool. Kaya nagtataka ako, papaano sila nagkakilala ni Nikki.

"So, anong connect niya kay Nikki." tanong ulit niya.

"I don't know dude. I just saw them together one time. At isa 'yan sa gusto kung alamin. Bakit sila magkasama? Anong connect nila sa isa't isa." sabi ko kasi wala pa talaga akong alam.

"That Lorri is one of us, positive na 'yon. Don't you think, Nikki's too?" tanong ni James.

Napabuntong-hininga ako, napa-iling iling. Pareho kami ng naiisip. One asset associate mingling with my Nikki is something different, really different.

Nakarating kami isang exclusive townhouses, pinara kami ng guard at tinanong. Siguro dahil ngayon lang kami nakita. Sinabi kong kaibigan kami ni Lorri Pineda.

He ask for id? Ibinigay naman ang mga school id namin. Pinaiwan niya at kunin na lang daw namin kapag lalabas na kami. Ilalog-in lang daw niya ang mga pangalan namin.

Pumarada na ako at sabay kaming bumaba ni James. Nagdoorbell. Binuksan ng isang lola. Sabay kaming yumuko ni James bilang paggalang. Napangiti naman siya.

"Good evening po." sabay bati namin ni James.

"Magandang gabi naman mga iho. Anong kailangan niyo?" tanong ni lola.

"Ah, mga kaibigan po kami ni Lorri. 'Andyan po ba siya?" sabi ko.

"Sandali at tatawagin ko. Lorri! Parine ka at may mga bisita ka." sigaw ni lola.

"Bababa na po." sigaw mula sa itaas ng bahay na malamang si Lorri. Umalis na sa pinto si lola. Hindi man lang kami pinapasok.

"Lola, sino po..." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya. Napatingin sa akin at napakunot-noo at biglang nanlaki ang mga mata... "Axel? Axel Valderama." sabi niya. Tumango ako.

"Hala, pasok kayo. Si Reese kasama niyo. Kumusta na siya? Papaano niyo nalaman kung saan ako nakatira?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ahm, Lorri. Can we talk in private?" tanong ko. Tinignan niya ako sa mata, seryoso. Seryoso din akong tumingin sa kanya para iparating na hindi ako nagbibiro.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now