Chapter Six

1K 180 12
                                    

Nikki

Saturday Night (EXAM).

Ang ganda sana ng umaga ko, kaso nabadtrip ako. Papaano, may isang unggoy na ang lakas ng bilib sa sarili, ang pumapapel sa tahimik kong mundo.

At kaya naman pala, kasi noong lunch pinaparinig ni Jessie na pasok sa magic o mythical five ang lima plus captain ball pa iyong unggoy na 'yon.

"As if I care. Ha, you got a new name, ang pinunong bakulaw at ang apat na unggoy." sabi ko sa isip ko.

Lunchtime when...

"Girls, kain na daw tayo. The guys can't join us." maarteng sabi ni Rose-ann. At sabay-sabay silang napatingin sa akin.

Aba, dapat lang. Ang kapal ng mukha niya kapag nagpakita pa sa akin. At hindi lang iyon ang matitikman niya. Though i feel sorry dahil nadamay ang ibang boys.

"What? It's my fault now?" napalaki ang matang sabi ko. They just shrugged and we ate.

Noong uwian na...

"Girls, 'andoon na daw silang lahat sa parking lot. They'll wait for us." sabi ni Jade, kasi kanya-kanyang hatid nang minamahal.

Pero hindi ako naiinggit, promise. Sabi ko nga nakakawala ng focus ang mga lalaki. Kaya nga hangga't maaga iiwas na ako sa kanya. Hindi naman ako manhid, alam kong ako ang nilalandi niya.

Nauna na akong magpaalam, sumabay si Mikha. Oo nga pala, wala rin siyang boyfriend sa mga unggoy na iyon.

So 'andito ako sa bahay, nagdinner, naligo at nagbibihis na. As usual, i tied my long black hair, wears a black bonnet (hindi naman iyong tipong takip ang buong mukha, mamamatay tao ako hindi holdaper), black sweatshirt, black pants and a black highcut converse. Para hindi agad ako makita kaya puro black ang suot ko.

Ready na ang baby ko (sniper shotgun). Isa pa yan, "he keeps on calling me baby". Nawawalan ako ng konting bait. Isa lang ang baby ko at siya ang lagi kong kasama sa oras nang masamang panaginip.

Hinihintay ko si Lorri. Tumingin ako sa wall clock, it's nine in the evening, any minute dadating na iyon. After five minutes, i heard a honk. I made a sigh, it's time... again...

Bitbit ang bag na may baril, lumabas na ako ng bahay, lock it and hop in the van. Fist bump, iyan ang batian namin.

No words as she drive the van. Sino ba namang matino ang makikipag-kwentuhan pa kung ang gagawin niyo, papatay. One year and six months ng ganyan kami, sanayan lang.

Nine thirty we reach the place, iyong chineck ko kaninang madaling araw. Una naming pinuntahan ni Lorri ang paghihintayan niya. Nang masigurong kong safe siya, i left her there.

Naglakad na lang ako papunta sa paglulugaran ko. Mabuti at wala ng mga tao. Tumaas ako sa isang abandonadong gusali. Pumuwesto sa bintana, inilabas, ikinabit ang silencer at bala sa baby ko at inilapag.

Nine forty. Kailangan kong magrelax, medyo stiff ako, alisin lahat ng nasa isip ko.

Nine fifty. "Ready baby." bulong ko.

Lumuhod ako at iniangat ko ang baril ko. Sumilip ako sa peep hole. Tatlong malalaking building ang pagitan ng restaurant kung saan lalabas ang taong nasa picture at ang gusaling kinalalagyan ko ngayon. More or less ganyan kalayo ang kaya ng baril ko, kaya lang this is the best spot i saw.

Nine fifty five. "It's time baby." bulong ko.

Itinutok ko ang baril sa direction ng isang lalaking napapagitnaan ng apat na bodyguard. Mga men in black lang ang peg. Hindi ko ikinabit ang laser, kaya walang problema. Magmula sa katawan pataas hanggang sa ulo inasinta ko ang baril.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now