Chapter Two

1.7K 205 39
                                    

Nikki

Friday night before my so called 'exam'.

"Ganda, exam mo. Same time, dating gawi at alam na ni Lorri." seryosong sabi ni Erwin.

Sabay abot sa akin ng isang malaking brown envelope. Kinuha ko naman ito at inilapag sa center table ng sala. Nanonood kasi ako ng tv nang pumasok siya sa bahay.

"K." sabi ko.

"Hindi mo man lang ba sisilipin?" sabi niya. Lumakad at sumandal sa likod ng pintuan habang naglalabas ng sigarilyo.

"May mababago ba?" tanong ko sabay lingon sa gawi niya bago bumuntong hininga.

"Hey! Bawal dito 'yan." pahabol ko pang sabi.

Nang akmang sisindihan niya ang sigarilyo niya. Nagkibit balikat siya. Itinago iyon sa bulsa ng suot na jacket. Lumapit sa akin at tumayo sa harapan ko. Napatingala naman ako sa kanya.

"Ganda, mag-iingat ka." sabi niya.

Hinawakan ang ulo ko at ginulo ang buhok ko. Pilit naman akong ngumiti at tumango. Nagpaalam siya at lumabas na ng bahay. Samantalang napatunganga na lang ako sa harap ng tv. Pinatay ko ito dahil wala na akong naiintindihan sa palabas. Napangalumbaba ako.

'May exam na naman ako'. sabi ko sa isip ko.

Buti sana kung katulad sa school na magti-take ka ng exam after that uwian na tapos unwind na. Pwede nang magrelax-relax. Kaso hindi, ibang exam ito.

Oo nga pala...

Hindi po ganda ang pangalan ko, iyan lang ang tawag ni Erwin sa akin. Endearment niya daw sa akin kapalit ng hindi ko siya tatawaging kuya. Dahil mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. Nag-iisang pinsan ko siya. Hindi rin siya bakla, lalaking-lalaki siya.

Ako si Nikki Cervantes. Seventeen years old. Third year college. Taking up Bachelor of Science in Accountancy.

Nag-aaral sa isang sikat at kilalang university dito sa Pilipinas.

Hindi naman sa gusto ko itong course na ito pero syempre I want to have a stable job after graduating from College at ayaw ko rin magtrabaho abroad.

I want to build my own family here in the Philippines. Kasi sabi nga "There's no place like home" at isa pa. "It's more fun in the Philippines."

Mag-isa lang ako sa inuupahang bahay namin. Bago, maganda rin naman, rent to own sa isang exclusive village. Dahil plano ko kapag fully paid ko na kukunin ko ulit ang pamilya ko.

Para magkasama-sama ulit kami. Mahirap ang nag-iisa. Isa pa gusto ko ulit silang makasama. Miss na miss ko na rin sila.

Kapit bahay ko rin naman ang mag-inang sina auntie Erna, forty years old (kapatid niya ang tatay ko) limang taon ng biyuda at ang anak niyang si Erwin, twenty years old, (pinsan ko) nagtratrabaho sa isang construction firm bilang isang architect.

Bale nabili na nila iyong unit nila.

Ang pamilya ko, si tatay Noriel (forty-two years old), nanay Evangeline (forty years old) at ang kapatid kong si Nadine na seven years old na ay nasa Tagaytay. Mas makakabuti sa kalusugan ni tatay na nandoon sila.

Tagadoon naman kasi ang pamilya ng mga lolo at lola ko both sides. At doon nagkakilala sina tatay at nanay, high school sweethearts sila.

Dalawang taon na ang nakalilipas, simula nang mangyari ang bangungot na iyon sa buhay namin at sa loob ng dalawang taon na iyan maraming nagbago lalong-lalo nasa buhay ko.

SNIPER ASSASSINWhere stories live. Discover now