Old and New (12)

6.7K 278 9
                                    


RK Main

Althea arrived at the resto early in the morning and went straight to the kitchen, cooked food and made two mugs of coffee and proceeded to the office.
She placed the plate of waffles and  two mugs of coffee in front of Batchi's table
"Good morning, breakfast?"she offered to Batchi.
"Morning, Thanks" sagot nong isa na hindi siya tiningnan at tuloy sa ginagawa.

"About last night--"

"Sorry but I don't want to talk about it anymore, Althea" putol niya sa sasabihin ng kaibigan.
Tumango lang si Althea at tahimik na kumain.

"Kamusta paa mo?" Puna ni Batchi.

"Ok na, mas mabilis ka pa lang tumakbo, nasa bar ka agad." Birong sabi ni Althea pero tiningnan lang siya ni Batchi kaya tahimik na lang siyang bumalik sa pagkain.

After breakfast nagpaalam si Althea na pupunta siya sa ibang branch ng resto nila at tumango lang si Batchi.
Tinawagan niya si Mang Carding dahil nahihiya siyang makisuyo kay Batchi.

Pansin ni Batchi na may bago sa kaibigan, ah hindi bago kundi parang nakikita niya yong dating Althea. Napangiti lang si Batchi sa sarili.

- - -

After lunch na naka balik si Althea sa Main, hindi pa rin gaanong umiimik si Batchi at hinayaan niya na lang.

May ka meeting sila kaya hindi na muna umalis si Althea.
After ng meeting nila ni Batchi with client ay lumabas sila ng office at nasa loob na sila ng resto ng makita nila ang bagong papasok na babae.

"Cathleen?!" Sabay nilang nasabi.

"Batchi!Althea!" takbong yakap at halik ng babae kay Batchi

"How are you guys and you, Baby?!" Sabay baling kay Althea, niyakap at saka hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan ang mga ito. Hindi pa nakuntento ay pinangigilan ang ilong tsaka inakbayan at hinawakan muli ang pisngi at tinapik tapik. Nanggigigil na parang ang tagal na hindi nagkita.

"Good morning Mam" bati ng waiter sa taong nasa pinto ng resto at sabay sabay silang tatlong na napalingon sa bagong dating.

"Jade!" Sabay usal nila Althea at Batchi.

Biglang bitaw si Althea kay Cathleen na parang nakuryente at napansin naman yon ni Cathleen pero napa ngiti lang.

"Ahm, napa daan lang ako. I'm just in the vicinity at hindi ka sumasagot sa tawag ko kaya nagbaka sakali lang ako. Ama wants to invite you for dinner. Pero ---"

"Ah sorry Jade may ka meeting kasi kami kanina kaya dko napansin tawag mo"- paliwag naman ni Althea pero pinutol ni Cathleen

"At kailan ka pa naki pag hook up ng matagal sa ka one night stand mo Althea at binigay mo pa talaga number mo?!"

"Cath!!??" sabay na biglang sambit nila Althea at Batchi nanlalaki ang matang binalingan si Cathleen.

Nagulat naman si Cathleen at biglang taas ng kamay na nagsasabing "what?!"

Hindi na nila napansin si Jade na mabilis ng naglakad papuntang parking.

"Jade wait!" sigaw habol ni Althea na bago pa tuluyang nakaalis ay nilingon si Cath
"I'll deal with you later" may pagbabanta niyang sabi at saka tumakbo sa direksyon ni Jade.

Kibit balikat lang si Cath at ngiting nakakaloko kay Batchi sabay sabing "Oops!"
- - -

Nakasakay na si Jade sa kotse niya pero mabilis ding nakahabol, nakapasok at naupo si Althea sa passenger's seat.

"Get out of my car!"

"Hear me out first, please Jade"

"I get it, Althea I'm the one night stand na pinagkamalan ng girlfriend mo---"

Always, My JadeWhere stories live. Discover now