Never Letting Go (59)

6.6K 239 2
                                    

Nagulat si Jade pagdating namin sa rest house sa Batangas, mula sa labas ay makikita ng tapos na ang buong bahay. Andito din si Yaya Sening at Mang Gani dahil dali dali ko silang tinawagan para mamili ng mga kailangan sa bahay para sa pag stay namin ni Jade.

"Wow Althea! Ang bilis atang natapos nito?" baling niya ng tingin sa akin at bumalik muli ang tingin sa buong kabahayan. "Have you spent all your time here?" Biro niya sabay yakap sa akin.

"Yes, bago ako umuwi or pag may free time ako araw araw dumadaan ako dito para tingnan ko sila Mang Gani at tumulong na rin. Gusto ko pagbalik mo tapos na ito Love. Dito ko binuhos ang pagka miss ko sayo at ito na rin ang gift ko sa birthday mo Love." Nagsisimula na naman akong umiyak. Bakit na pagdating kay Jade, napaka iyakin ko. I know I'm a cry baby pero mas lalo na ata ngayon dahil naramdaman ko kung anong buhay ko pag wala si Jade sa tabi ko. Mas hindi ko kaya ang takot na mawala siya kesa ang takot na kalalabasan pag nalaman ng mga tao ang tungkol sa amin. Hindi ko kayang mawala si Jade dahil sa takot ko sa hindi pa nangyayari.

"Lovelove" sabay hawak niya sa magkabilang pisngi ko at masuyo akong hinalikan sa labi " I missed you so much too and thank you for the gift, sigurado ka akin na to?" tanong niya saka niya ako niyakap. I felt her inhaled my scent when she kissed me down my neck. pakiramdam ko nakuryente ang buong katawan ko at napansin ni Jade yon. Bigla siyang humiwalay at tiningnan ako muli. "Are alright Lovelove?" Tanong niya na nakangiti. Tumango lang ako at niyakap ulit siya ng sobrang higpit.

"Yes Love. Miss lang kita ng sobra. And Yes this is yours, you can do what you want in this rest house, you said you want us to make good memories here, I know Mom and Dad I have good memories here, tayo din." balik ko at sabay halik sa kanya habang nakaakbay pa rin ang dalawang kamay niya sa balikat ko.

"Jade!, Anak. Salamt at dumating ka na!" tuwang bati ni Yaya Sening sabay lapit at halik kay Jade pagkakita sa amin sa may pintuan sa niyaya niya na kaming pumasok sa loob ng bahay. "Hindi ba alam ni Althea ang araw ng balik mo? Aba kung magtrabaho laging nagmamdali, panay ang bilin na tapusin agad at baka daw bigla kang dumating." pagkukwento ng matanda.

"Marami po kasing hindi inaasahang meetings at trabaho sa New York, Yaya, kaya napahaba po ang pag stay ko doon." paliwanag ni Jade.

"Ah ganon ba? Naku sa sunod isama mo na itong si Althea dahil mula ng umalis ka ang libangan niya ay maging tulala habang nilalaro ang singsing niya kaya pinagtatrabaho ni Gani eh para malibang." Nakangiting kwento ni Yaya habang namumula na si Althea sa hiya.

"Yaya, wala naman pong laglagan." biro ko sabay back hug ko kay Jade." Baka po lumaki ang ulo ng asawa ko o kaya masyadong bumilib sa sarili." habol ko pa

"Hay naku Althea, kunwari ka pa eh, matagal ka ng patay na patay diyan sa asawa mo, pati nga ako kinakasangkapan mo pa pag napapasyal tayo sa mall nila Jade ----"

"Ya!" pigil ko.

"O siya kumain na ba kayo? Pasado pananghalian na pala, anong gusto niyong meryenda?" natatawa na lang na sabi ni Yaya para maiba ang usapan.

"Sige po, Ya. Kayo na pong bahala,  iakyat ko lang po gamit namin ni Jade. Baba din po kami para magmeryenda. Love akyat ko saglit to." sabay buhat ko ng bag na may lamang damit namin ni Jade. Nong nalaman kong nakaalis na siya sa bahay nila kanina ay bumalik na ako ng condo namin at hinanda ko ng mga gamit namin dahil desidido akong makasama siya ng ilang araw at dalhin dito sa Batangas.

"Pwede na tayo maglipat ng mga ibang gamit natin Love, tapos ng extended love nest natin and we can paint this house according to your choice of color or any combination Love." bulong ko kay Jade ng makalapit ako sa kanya matapos kung ilapag ang bag sa tabi ng couch at sundan siya sa may terrace na nakatayo sa open glass door habang pinagmamasdan ang dagat. I hugged her from behind and kissed her shoulder. Naramdaman kong hinihpitan niya ang paghawak sa mga kamay kong nakayakap sa kanya at hinalikan niya ng matagal ang pisngi ko.

Always, My JadeWhere stories live. Discover now