AJ (68)

6.1K 246 14
                                    

"Lovelove." rinig kong tawag ni Jade na halos pabulong. Naalimpungatan ako at agad na lumapit sa kanya, nilingon ko ang paligid wala si Yaya Sening baka lumabas siya.

"Love, bakit? You need something?" agad kong tanong sa kanya.

"Please call Tita Karen, I think it's time. Manganganak na ata ako." sambit niya sa medyo hirap na boses. Nagulat na ako at nataranta bigla akong takbo sa sofa na hinihigaan ko at hinanap ko ang cp at nagdial.

"Hello Mama manganganak na po si Jade." sabi ko

"Love, si Tita Karen."

"Yes, Love." sagot ko bakit ba si Mama ang tinawagan ko. Dial ulit ako, ilang rings pa.

"H-Hello Batchi, manganganak na si Jade." balita ko nanaman

"Lovelove!" sigaw na ni Jade.

"Yes Love! H-hindi ko makita ang number ni Tita Karen." taranta kong sabi.

"Lovelove, she's just in the other room!" bigla niyang sabi na nagpagising sa diwa ko. Oo nga pala andito na kami sa hospital at kumuha na rin ng private room para kay Tita Karen dahil napapadalas na ang sakit ng tiyan ni Jade nitong mga nakaraang araw. Mabilis akong tumakbo palabas at tinawag ko sa kabilang kwarto si Tita Karen at mabilis akong bumalik kay Jade at kasunod ko na si Tita Karen.

- - -

Sa loob ng delivery room, hindi mawala ang kaba at takot at halo halong emosyon habang pinagmamasdan ko si Jade. Kita ko ang hirap sa kanyang mukha, naaawa na ako sa asawa ko, nakiusap ako sa Doctor niya na payagan akong samahan si Jade sa delivery room dahil hinahanap niya ako. Mahigpit ang hawak ni Jade sa kamay ko. Nilingon ko si Tita Karen na nasa kabilang side upang umalalay lang sa amin.

Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari sa loob ng delivery room dahil nakatuon lang ang buong isip at atensyon ko kay Jade. I can't stand to see her crying and all the pain written on her face. Panay ang halik ko sa noo at kamay niya, hanggang nakita ko siyang huminga ng malalim at bumitaw ng malakas na sigaw...at kasunod non ang iyak ng munting angel at ang pakiramdam na noon ko lang naramdaman. Parang lumutang ang buong paligid ko ng marinig ko ang malakas na iyak ng munting bata, hindi ko namalayan na umiiyak na rin ako.

"Congratulations Mrs. Guevarra, it's a baby girl." rinig kong sabi ng Doctor pero mas nangibabaw ang iyak ng munting nilalang na ngayon ay maingat na inaayos ng ng nurse. Ng lumapit sa akin ang nurse na hawak hawak ang bata ay lalong bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ganito ba ang pakiramdaman ng maging isang ina, isang magulang? I held the baby in my arms and cried while kissing her. Tiningan ko si Jade at yumuko ako at masuyo kong hinalikan ang ngayon ay nakapikit ngunit nakangiti kong asawa. "I love you Jade." pero hindi siya sumagot nanatiling nakapikit.

"Congratulations Anak, she looks like little Althea." bulong ni Tita Karen ng lumapit sa amin ng anak ko.

- - -

Paglabas ko sa delivery room sinalubong ako nila Mama at nila Batchi. Mahigpit ang yakap ko kay Mama at naramdaman ko ang mga kamay ng mga kaibigan ko na humahagod sa aking likod.

"Mama." yon lang ang lumabas sa bibig ko at parang sapat na yon para maunawaan lahat ni Mama Amanda ang nararamdaman ko.

"Congratulations, anak. Nanay ka na." sabi niya habang haplos haplos ang mukha ko.

"Congrats, Mommy!" sigaw naman ng mga kaibigan ko.

- - -

Always, My JadeWhere stories live. Discover now