The Little Things (21)

6.9K 271 9
                                    

Althea

I woke up late afternoon and Jade was no longer by my side. I went straight to the kitchen dahil nakaramdam na ako ng gutom. I saw a prepared food on the table with a note.

Lovelove,

Sorry I don't want to bother your  sweet sleep. Something came up at the bar and I need to check it out. Enjoy your food.

See you later. I love you.

Your Jade

Nakangiti ako pero napawi din agad. bumalik ako ng kwarto ko at kinuha ang cellphone at tinawagan ko si Batchi.

"Hello Althea, ok na pakiramdam mo kumain ka na?"

"Hi Batch, ok na rin naman pakiramdam ko. Umalis na si Jade kailangan siya sa Bar eh. H-hindi pa ako kumain pero nagluto siya ng pagkain." Sagot ko

"Ok ireheat mo na lang.  I'll be there in a few."

"Thanks Batchi, sama na rin ako sayo pagbalik ng RK mamya" sagot ko at nagpaalam na din.
- - -
Batchi

Hindi sanay kumain mag isa si Althea lalo na sa condo niya, kahit sa bahay either uuwi siyang kumain na o kasabay ang Yaya niya. Lalong lalo ng ayaw niya ang hahainan siya at iiwanan lang ng pagkain. Jade's sweet for preparing food at alam ko nag aadjust siya para kay Althea, iniintindi niya ang mga bagay bagay especially sa nakita niya sa mga gestures ni Cathleen towards Althea, tahimik lang siyang nag oobserve. Baliw din talaga tong Cath na to eh, naghahamon talaga. Slowly makikita ni Jade ang mga ka weirdohan ni Althea. Sana lang talaga masakyan niya.

Kailangan kong sabayan si Althea kahit kumain na ako. Past 1 na at sigurado gutom na yon, mahalaga kumain siyang may kasama. Hay ang bunso namin.

- - -
Jade

Gising na kaya si Lovelove ko? Hindi pa siya nagtetext baka tulog pa, balik kaya ako doon tutal ok na dito sa bar. Gisingin ko na kaya siya mag alas 2 na ng hapon, malilipasan na siya ng gutom.
- - -

Althea's Condo

Kumakain na si Althea at sinasaluhan na siya ni Batchi.

"Sweet ng girlfriend mo ah, ipinagluto ka pa talaga"- Batchi

"Oo nga eh, kaso hindi niya ako sinabayan kumain, pero naiintindihan ko naman kasi dko pa nasabi"

"Haha Tsong marami ka pang dapat sabihin, napaka weirdo mo kaya. kami lang nakakatiis sayo noh!" sabay tawa ni Batchi

"Yeah sana I won't scare her away." medyo malungkot na sagot ni Althea

"Hoy Althea nobody runs away from you. Your unique in your own way, ok?"

"Walang tumakbo, nang iwan lang."

"Althea."

"Sorry Batchi, I guess I'm just being scared again. Nang magising akong wala si Jade sa tabi ko parang bumabalik ang dati. I hate the feeling of being left alone cause it scares me."

"Ano ka ba babalik din si Jade, may inasikaso lang di ba? May spare key na ba siya ng condo mo?"

Umiling lang siya.

Magsasalita pa sana si Batchi ng may nag doorbell. Nagkatinginan ang magkaibigan, walang nag dodoorbell sa mga kaibigan ni Althea dahil lahat sila may extra keys. Unless na bisita.

Always, My JadeWhere stories live. Discover now