The Jealous Me (39)

6.7K 244 3
                                    

Jade's side is silent, I know her Angkong already knew about our wedding pero tahimik lang siya. I asked Jade pero sabi niya lang, it was a mutual agreement. She didn't elaborate further so I didn't insist. Maybe one reason is Jade's consent to hide our relationship, pero natatakot din ako sa desisyon ko at paano kung magising ako isang umaga  na iniwanan na ako ni Jade dahil pakiramdam niya itinatago ko siya. Pati kung sino ang may gawa ng mga pics namin ni Cath hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino, tinanong ko si Cath pero sabi niya lang naayos na ang gusot, alam ko ayaw na nilang malaman ko. Hay. Sana hindi ka na lang naging Tanchingco, Jade, bulong ko sa sarili. Ayokong nakikita kang nahihirapan.

I'm on my way to Jade's Bar dahil deretso kami sa rest house at the same time para macheck na rin niya ang brewery nila sa Batangas. Pagbaba ko ng kotse deretso na ako sa office ni Jade through the back door. Tuloy tuloy na ako sa office ni Jade pero nagulat ako kasi may kausap pala siya.

"Oh, I'm sorry..."biglang tingin ko kay Sally. "Can I talk to you for a minute Sal?" senyas ko then I saw the familiar face of this guy na kausap ni Jade. Saan ko na na siya nakita? tanong ko sa isip ko. I heared Sally excused herself and made a few instruction sa secretary niya bago lumabas.

"Bakit, Althea?" tanong niya after niya maisara ang pinto.

"Sorry, Sally wala ako alam na excuse para makalabas eh. May bisita pala kayo?"

"Ah, yeh. Biglang napasyal si Charlie, actually high school friend namin pero sa abroad na nakatira. He just arrived from New York, may business din siya doon at nagkikita din sila ni Jade doon. Ang alam ko na kasabay niyo siyang dumating. Pero ibang flight ata kasi galing pa daw siya ng Hongkong eh.

Yes, now I remember him...at the airport. May nakasabay kaming reporter and he immediately recognized Jade. I was carrying all her luggage and lagging off a bit para hindi kami gaanong sabay. I don't care kung pagkamalan nila akong alalay niya. He asked kung saan siya galing pero tinaasan niya lang ng kilay. Taray talaga ng Love ko.
"Ah Ms. Jade that looks like an engagement and wedding rings. Are you married?

"What do you think?" balik tanong niya.

"Who's the lucky guy?" Ayaw paawat na tanong ng reporter.

"Ask her?" Sabay turo ni Jade sa akin.

What the!?

Lalapit na sana sa akin ang reporter nang may tumawag kay Jade, palabas na kami. Isa pa to, patol ko sa isip ko.

"Jade! Nice to see you again!" Sabay kiss sa kanya. Sh.it.asawa ko yan maktol ko sa isip ko, mahigpit ang hawak ko sa trolley. Dumating ng sundo namin galing sa mansion nila Jade. Hindi ko na sila pinansin sinamahan ko na lang ang driver at bodyguard niya sa pag ayos ng gamit namin, pero ng napansin ni Jade na nailagay na sa sasakyan ang mga luggage namin, nagpaalam na siya. Pagkasakay namin sa kotse tahimik ako, she noticed it at hinigpitan ang hawak sa kamay ko sabay kiss. "An old friend." sabi niyang nakangiti, parang natutuwa pa sa nakikita niyang reaction ko. Duh. Insensitive ba?

Back to the present.

"Yah, I think I remember him now. Pero hindi ko alam na may meeting pala kayo sa kanya?" Takang tanong ko.

"Actually pati kami nagulat, nalaman niya ang bar so pumunta siya dito. He also wanted to visit the brewery gusto niyang maging partner si Jade at mag extend ng The Bar somewhere in Boracay daw, not really sure though." paliwanag ni Sally.

"I don't like him." Bulong ko sa sarili ko.

"Halata naman eh, selos lang?" Sagot ni Sally. Nagulat ako malakas ba pagkakasabi ko?

Always, My JadeWhere stories live. Discover now