Cravings (64)

6.1K 313 18
                                    

"Hello Lovelove, may kausap kami ngayon ni Dada kaya magdinner ka na muna kasama sila Cath or Batchi. We'll have our midnight snack basta don't forget my yogurt and strawberry, ok?" Bungad ni Jade ng sagutin ko ang tawag niya.

"Ok Love andito ako ngayon sa RK kasama ko si Batchi, cge magdinner na lang kami, yes Love nakabili na ako ng bilin mo. Ingat ka and regards to Dada. Do you want us to go sa bahay niyo para makasama mo si Ama?" pag alok ko dahil matagal tagal na rin kaming hindi nakakapasyal sa Alabang.

"I'll let you know, Lovelove. Got to go its a dinner meeting but don't worry I'm with Dada and Ahya Gab." paalam niya.

"Okay Love, Bye." paalam ko na rin.

"Mukhang tayong dalawa ang magdidinner ah, buti na lang para hindi ka makita ni Jade." maktol kong sabi.

"Tsong kasalanan ko ba kung cute ang tingin sa akin ng asawa mo. Minsan nga parang ayaw ko ng kumain pero gusto pa rin niya akong tingnan kaya napaparami kain ko." depensa niyang sabi.

"Eh bakit hindi ka pa rin tumataba? Butiki ka pa rin?" kantiyaw ko.

"Butiki?! Ako?! Ah ganon? Tingnan ko lang kung anong gagawin mo pag sinabi ko yan kay Jade." pagbabanta niya. Nagulat naman ako at biglanv kinabahan.

"Uy, Tsong ikaw naman hindi ka na mabiro. Sige na cute na hindi na butiki. Wag mo na ako isumbong." pagsumamo ko.

"Haha! Ngayon may panlaban na ako sayo. Si Jade lang pala ang kailangan ko. Yes!Yes!Yes!" pasayaw sayaw pa niyang kantiyaw.

"Hintayin mo lang na makapanganak si Jade, titirisin kita." banta ko.

"Titirisin?!" hasik niyang sabi sabay bunot ng cellphone niya at nagdial.

"Hello, Jade?...Ah sorry kung naistorbo kita gusto ko lang malaman kung kumakain ka na? Ah ok, meeting pa lang. Ok kain kang mabuti ha. Huwag kang magpapagutom....What? Talaga? Ok lang ba? Nakakahiya naman kasi baka hindi gusto ni Althea. Alam mo na baka isipin niya kapit tuko akong dumidikit sayo o kaya butiking kapit na kapit sayo." sabi niya na kunwari ay malungkot ang boses pero nakakalokong tumingin sa akin. Naku Batchi bumabawi ka talaga sa akin.

"Ok Jade, take care see you later." paalam na ng butiking to.

"There, I think hanggang mamya ay magkakasama tayo dahi Jade invited me to eat midnight snacks with you guys. Isama ko daw si Abby at don kami sa unit niya sa baba ng unit niyo matutulog, ano ka ngayon Tsong. Tawagan ko daw sila Cathleen at Wila baka gusto din nila sumama, bonding daw natin." Sagot niya na masaya.

"Gabi ko na nga lang nakakasama ang asawa ko sisingit pa kayo." reklamo ko pero hindi niya yon pinansin.

- - -

Sinundo ko na si Jade sa Makati at kasama ko na rin si Batchi at Abby. Medyo late na kaya hindi na sumama si Cathleen dahil bonding moments daw nila ng Mommy niya. Si Wila may date daw sa bagong boyfriend niya.

Masaya ang biyahe namin pabalik ng condo nasa kabilang sasakyan sila Batchi at Abby ng biglang naalala ni Jade ang pinabili niya.

"Where's my yogurt and strawberry Lovelove?" tanong niya.

"Nasa likod Love andiyan sa backseat, gusto mo ng kumain?" Tumango lang siya at inaabot ang supot na nasa back seat.

"Careful Love, saglit tatabi ko lang tong kotse para hindi ka mahirapan." paalala ko, tinabi ko saglit ang sasakyan at ako ng umabot ng supot, napansin kong nag hazard din sila Batchi at hininto din ang sasakyan sa likod namin. Inabot ko ang supot at binigay ko kay Jade. Excited siyang binuksan pero bigla ring nagbago ang mukha niya.

Always, My JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon