Falling Apart (47)

5.1K 248 5
                                    

"Ready Love?" tanong ni Althea pag bungad niya sa pinto.

"Yes, Lovelove." sagot ko na nakatayo na rin ako at inaayos na lang ang purse ko. "Are you sure wala ka ng lakad or urgent sa work mo?Pwede naman akong magpasundo." habol kong sabi.

"Wala na, everything's good." sagot niya sabay halik at yakap sa akin. I missed her embrace. I savor the moment, Althea's always been busy for weeks now, Paul said masyado daw dedicated sa work although she's taking time to call and message me iba pa rin ang presence niya. Madalas kailangan daw siya sa site kasama si Max. Gusto ko ng magselos, mag demand pero ayaw ko ng lagi kaming nagaaway dahil lang sa pagseselos ko. Cathleen's my eyes on Althea, kahit hindi ako nagtatanong she assures me that Althea's all work. Pag wala si Cathleen si Paul naman ang nagkukuwento because knowing me alam ni Paul na anytime pwede akong magwala kung biglaang hindi ako naususundo ni Althea or kung late na siya umuuwi. Hindi ko na rin pinipressure dahil pati RK inaasikaso niya pa. Sabi ni Batchi from time to time pumupunta pa rin si Althea sa lahat ng resto para lang macheck kahit na pinapadala na ni Batchi ang mga reports via email. Except sa Baguio branch, matagal na siyang hindi napupunta doon laging si Batchi or Wila. Pagdating naman sa condo, tulog na agad siya halos hindi na kami nakakapagusap ng matagal.

"Why aren't you hugging me back?" bigla akong nagising sa pagiisip. Nang biglang kumalas si Althea. "Something's bothering you Love?" tingin niya sa mga mata ko na may pag aalala.

"Ah, sorry Lovelove, may iniisip lang ako."

"I know I've been very busy this past days Love and I'm sorry pero ngayon lang to, pag nagtagal maayos ko na rin schedule ko. Pinagaaralan ko lang lahat dahil ayaw ko ding mapahiya sa mga business partners namin." pagsuyo ni Althea.

"Ok lang Love, I understand. Kain na tayo nagugutom na ako. I already called the restaurant for our lunch."

- - -

Magana kaming kumakain ng tumunog ang cellphone ni Althea, tiningnan niya pero hindi niya sinagot, placed it back on her purse. We always see to it that we enjoy our time eating together, no call interruptions especially kung work unless emergency. Nag ring ulit.

"Answer it." matamlay kong sagot na hindi siya tinitingnan. At napansin ko na lang na kinuha na niya ang phone.

"Hello, Max...sorry but I'm having lunch with my wife right now...I see...I'll be there after...Thanks Max. Bye."

"We should finish this fast baka importante yang tawag mo."

"Mas importante ka, Jade."

Prove it. Gusto kong sabihin pero hindi na ako sumagot, itinuloy ko lang ang pagkain. Pinipilit kong ubusin kahit pakiramdam ko biglang nawalan ng lasa ang kinakain ko.

"Let's enjoy our food. Work can wait." dugtong niyang sabi pero hindi na ako umimik.

- - -

Tahimik kami pareho habang binabaybay ang daan pabalik ng bar, but I can see Althea's glancing at me from time to time.
She held my hand and I just let her. I missed this, I missed her, I missed her so much. Ang lapit lapit namin pero ang layo niya sa akin. She gently kissed the back of my hand.

"Love---" naputol ang sasabihin niya ng nagring ang phone ko.

"Hello Charlie..." naramdaman kong biglang bumitaw ang kamay ni Althea sa akin at ibinalik sa manibela at mahigpit na hinawakan yon.

"...yes...ok that's good...Bataan's a bit far Charlie...well that's true though...ok cge I'll check my schedule then...Bye."

Always, My JadeWhere stories live. Discover now