The Baby (19)

6.8K 289 8
                                    

Biglang napabalikwas si Batchi sa tawag sa cellphone niya. Pati mga kasama niya nagising, nasa condo sila ni Althea. Sinagot niya ang tawag
"Hello Jade, asan ka?" sagot niya

"Ha, sigurado ka andon si Althea?" dugtong niyang tanong at nakatingin na kay Cathleen. Sumenyas ito na iloud speaker para marinig nilang lahat at ginawa naman ni Batchi.

"Kami na lang ang pupunta, Jade. delikado sayo and very late na, uwi ka na lang, babalitaan ka na lang namin"- Batchi

"Please Batchi, hindi ako matatahimik hanggat dko nakikita si Althea at masiguradong ayos lang siya. don't worry I'm not driving. may kasama ako. Sige na please Batchi"- pagsusumamo ni Jade

Tiningnan muna ni Batchi si Cathleen at ng tumango ang kaharap sinabi kung saan ang lugar.

"Don't get inside, hintayin mo kami ok?papunta na kami"

"ok Batchi, thank you very much."

"Saan tayo pupunta?" tanong ni Wila na halatang antok na antok pa.

"Maiwan na kayo kami na lang ni Batchi." sagot naman ni Cathleen

"Bye, Mahal, be back later." sabay halik ni Batchi sa partner niyang si Abby at umalis na sila.
- - -
"Hindi kaya torture na tong ginagawa mo kay Jade."- Batchi

"She has to earn my trust, she's a Tanchingco, Batchi. straight siya bago nabend ni Althea. I'm just giving her the benefit of the doubt. Althea loved her, loves her and I'm sure mamahalin siya ni Althea hanggang sa kaya niya, i just dont want her to get hurt. and besides kasalanan niya bakit nagkaganyan si Althea." depensang sagot ni Cathleen.

"Are you not spoiling Althea too much?"- Batchi

"I'm just protecting her."-Cathleen

"Baka magkasakit na yong isa doon. Buti na lang nalaman agad ni Jade kung saan si Althea. Paano kung bukas pa, i mean mamya na pala kasi madaling araw na?"- Batchi

"Well, that my dear is the risk we have to take para lang mkita natin kung hanggang saan mapapatunayan ni Jade ang sarili niya."-Cathleen

"sadistA ka din noh? Pinain mo pa talaga baby natin. kawawa namn si Althea."-Batchi

"Are you not spoiling her?" balik tanong ni Cathleen kay Batchi

Nagtinginan na lang sila at nagtawanan.
- - -
Nasa harap na ng Isang private cemetery sa Taguig sila Batchi, nauna pa sila dahil mas malapit sila.

Ilang sandali pa dumating na si Jade at lumabas na ng kotse patakbong lumapit kina Batchi.

Kinausap nila saglit ang security at pumasok na sila sa loob, naiwan sa labas ang sasakyan ni Jade. Sumakay na siya kina Batchi at Cathleen.

Ilang ikot at liko pa narating na nila ang pakay. Nakahinga ng maluwag si Jade ng makita ang sasakyan ni Althea. Napansin agad ni niya ang ilaw sa simpleng mausoleum na hinintuan ng sasakyan nila. Naaninag niya ang taong naka sandal sa nitso, nakayuko, hindi mo alam kung lasing o tulog. Nagmamadali siyang lumapit nanatili lang nasa likod ni Jade sila Batchi at Cathleen.

Si Althea, may hawak pang alak. Nakayuko at halatang nilalamig dahil hawak hawak ang mga binti at nakasandal sa nitso ng mga magulang.

Unti unting iniangat ni Jade ang ulo ni Althea habang inaalis ang alak sa isang kamay.

"Althea" sabi ni Jade pero hindi gumagalaw si Althea.

"Love-love" tawag ni Jade ulit.
Unti-unting nagmulat ng tingin si Althea

"Love?"usal niya

Tumango lang si Jade " It's already late Lovelove.Let's go home." aya niya sa mukhang antok at lasing pang si Althea.

Always, My JadeWhere stories live. Discover now