Confirmation (58)

6.3K 233 11
                                    

Ipinaalam ako ni Althea kay Dada na magleleave ako kahit three days daw dahil gusto niya akong makasama. I still can't believe how bold she was at the moment pati sa harap ni Dada hindi niya binitiwan ang kamay ko. So this is the tiger side of Althea na sinasabi nila Batchi at Cathleen. Akala ko yong pinakita niyang galit kay Charlie na ang tigre pero hindi pala, this is about her braving her own fear. Naputol ang pag aalala ko when Althea's phone rang.

"Yes, Cath...No, I'm on leave...what...as in now now?" inis na sabi ni Althea. Nang natapos niyang makipagusap sa phone ay tumingin sa akin.

"Love pwedeng daan tayo saglit sa office, may kailangan daw akong pirmahan sabi ni Cath." kunot noo niyang tanong na nagpangiti sa akin.

"Ok, Lovelove." sagot ko. "What's with the face?" dugtong tanong ko.

"Nagpaalam na kasi ako kanina kay Max tapos ngayon pababalikin pa ako. Kung hindi lang si Cath ang tumawag I won't go back." sagot niya na lalong nag patawa sa akin.

"What?" balik tanong niya. Sabay hawak at halik ulit sa kamay ko, kanina niya pa hawak hawak ang kamay ko buong biyahe namin, kung hindi lang may tumawag ay hindi niya bibitawan, parang takot lang na mawalay.

"Nothing" ngiti kong sagot "Baka mapudpod ng kamay ko sa kakahaplos at halik mo Lovelove and not to mention you're driving." paalala ko.

"I missed this" then she intertwined  our fingers and gave the back of my hand butterfly kisses.

"Althea." bulong kong tawag.

"Automatic naman tong kotse kaya pwede ko hawakan kamay mo Love." paliwanag niya. Napailing na lang ako, she always find reasons in everything.

"I know Lovelove but still you have to focus on driving, gusto mo akong ng mag drive?" Tanong ko.

"Nope." sagot niya sabay ayos ng upo pero hawak pa rin ang kamay ko. She knows she can't touch me while I'm driving dahil tatarayan ko lang siya.

Pagkapark ni Althea ng kotse sa tabi ng building nila hinawakan niya ang mukha ko and kissed me. Hay naku Althea nakakarami ka na sabi ko sa isip ko pero hindi ko rin naman mapigilan dahil gusto ko rin. Miss lang naman namin ang isat isa.

"Let's go Love." Aya niya pero hindi ako gumalaw.

"Are you sure you want me to go there with you? I mean kung saglit ka lang naman I can wait here." sabi ko.

"No, you're coming with me." seryoso niyang sabi na nakatitig sa mga mata ko. Then she opened her door at nakita kong umikot siya sa side ko at pinagbuksan niya ako ng pinto. When I got out she held my hand and kissed it again. "When I hold your hand and kiss it that means you will not remove it until I released my grip. My kiss is the lock." sabi niya sabay kindat and kissed my forehead saka na kami naglakad papalapit sa entrance ng building. Wala na talaga siyang pake makita man ng kung sino ang mga gestures niya.

"Mamya pudpod na yang labi mo kakahalik Lovelove." biro ko sa kanya pero napahinto ako sa sarili kong salita at inisip ko na lang na hindi niya kakagatin ang salita ko but she looked at me grinning and I hope she won't say anything. Then she lean on me and whispered

"Pag napudpod na labi ko then I'll just lick you." then she chuckled. Sabi ko na nga ba, kaharutan na naman nasa utak niya. I instantly swat her.

"Althea!?" Tawag ko sa mahina pero may diing boses but she just laugh. Napansin kong pinagtitingan na kami ng mga tao sa paligid namin because we're already inside the building. They greeted Althea and she greeted them  back with full smile, she's still holding my hand na nakakuha ng atensyon sa mga tao sa paligid namin at palihim akong napangiti dahil balewala lang sa kanya lahat. She indeed chose to fight her fear. Cath's right we just need to knock some sense to her head for her to wake up. We used the private elevator para daw makaakyat na kami agad.

Always, My JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon