The Little Me - 2 (70)

9.7K 375 97
                                    

It's  been three years now, lumaking matalino at bibo si AJ pero makulit. Sabi ni Yaya Sening ganon din daw ako kakulit noon. Junior ko nga naisip ko. We asked Yaya Sening to stay with us when AJ turned 1 year old since pareho na kaming nagtatrabaho ni Jade. Sabi ni Mama Amanda hindi na kailangan dahil andon naman daw siya at mga kasama sa bahay but I insisted dahil ayaw ko silang mahirapan lalo na pag naglilikot na si AJ. Pero nakiusap pa rin sila Mama at Dada namagstay pa rin sa mansion, natutuwa kasi sila sa bahay dahil kay AJ. May anak na din sila Ahya Gab at Pearl pero nasa ibang bahay sila at madalas din nasa magulang ni Pearl kaya para maaliw ang Lolo Dada at Lola Mama pati na rin sila Ama at Angkong, pinagbigyan na lang namin silang tumira muna kami sa mansion. Yes pati si Angkong ay naaaliw kay AJ, dahil madalas lagi ang daming tanong niya kesyo bakit daw maputi ang balbas niya at si Dada maitim, bakit daw alis siya ng alis at hindi isinasama si Ama, minsan sinasamahan niya si Angkong sa kwarto ni Ama dahil nagtataka siya bakit daw sila hiwalay ng room kung magasawa sila. Nakakapagtaka ring minsan ay pumapayag si Ama na patuluyin si Angkong sa kwarto niya basta kasama si AJ.
Nakita kong unti unting lumambot ang puso ni Angkong kahit na madalang pa rin niya akong kausapin. Masaya na ako doon, makita ko lang na tanggap niya ang anak ko at maayos na silang naguusap ni Jade, sapat na sa akin yon at wala na akong mahihiling pa.

- - -

"Aythea!" rinig kong sigaw sa likod ko pagpasok ko pa lang sa sala habang sinasara ang pinto. Napabalikwas ako at nakita ko si AJ na nakakunot ng noo at nakasimagot. "Yoy yate!" sigaw niya ulit. Bulol pa rin ang anak ko pero nakuha ko ng ibig niyang sabihin. Oo late ako dahil nangako ako sa kanya na uuwi ako ng maaga para makapunta kami ng park at maglaro. Sasagot na sana ako ng marinig ko ang boses ni Jade mula sa dining.

"What did you just call your mom?" mataas ngunit malumay niyang tanong kay AJ, mukhang nagulat si AJ na bumaling sa Mama niya at yumuko hinawakan ang laylayan ng tshirt niya.

"AJ, I'm asking you. What did you just call your Mom and why are you calling her that way?" ulit ni Jade.

"Love." mahinahon kong tawag kay Jade, nagiging tiger nanaman ang asawa ko. She's the disciplinarian type of mother. Pero tiningnan niya lang ako ng deretso. Ok kuha ko na, tameme na ako.

"Adrianne Jade I'm asking you." ulit na niya. Tumingin sa akin si AJ na parang humihingi ng saklolo at nginitian ko lang siya. Sa ganitong pagkakataon tiklop din ako at hindi ako dapat makialam.

"A-aythea..." mahina niyang sagot na tumingin kay Jade at naka puppy eyes na, nadadala na ako sa kanya pero I know Jade's firm at kahit gusto na niyang bumigay ay pinipigilan niya.

"Why call your mom like that and raise your voice at her?"muling tanong ni Jade, tumingin muli sa akin si AJ at tumango lang ako.

"B-bcos am apset, Mama. Mom sed shey come hom eayey." sagot na niya.

"Then why call her that way?" tanong ulit ni Jade at kita ng kaba sa mga mata ng anak ko. Tumingin ulit kay Jade at mahinang nagsalita.

"Becos...you coy hey that wen yoy apset at mom, too." mahina niyang sagot at dko na napgilan ang sarili ko at napatawa ako, mahina pero malakas para sa pandinig ng asawa ko at bumaling siya sa akin.

"Althea!" mariin niyang tawag.

"See!" sigaw naman ni AJ sabay taas ng daliri na parang sinasabi na yon ang ibig niyang sabihin na kaya tinawag niya ng ganon ang Mommy niya. Natigilan kami ni Jade at bumaling ako kay AJ at kinindatan siya and I saw her giggled.

"AJ!" boses ni Jade na binalikan si AJ at napatakip ng bibig ang bata para pigilan ang lalabas na tawa at napalitan ng gulat, pero ako hindi ko na napigilan ang sarili at napatawa ng mahina. And that's my mistake dahil umusok ng tuluyan ang ilong ng tigre.

Always, My JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon