Solace (18)

6.2K 264 5
                                    

"Do you think that would bring my daughter back to you, David?"-tanong ni Oscar

"Tito?"-David

"Bakit kailangan mong gawin yon?"

"Tinutulungan ko lang kayo Tito, hahayaan niyong mahawa ang anak niyo ng pagka lesbiana ng babaeng yon."

"Anak ko siya, at kung anuman siya at sinuman siya tatanggapin ko dahil mahal ko si Jade. Ikaw David hanggang saan ang pagmamahal mo sa anak ko, hanggang negosyo lang ba? You've never been faithful to my daughter, when she decided to end your relationship I didn't persuade anymore, hindi katulad noon na lagi akong nakikiusap na intidihin ka niya. Pero now, after all you've done I understand her reasons."

"I know it's my fault, Tito kaya nga po sinusuyo ko siya."

"Pagsuyo bang mats tawag ang ginagawa mo sa kanya ngayon. You're hurting her."

"I'm just trying to protect her from that woman, Tito. Pag nalaman ito ni Angkong, ano---"

"Go ahead magsumbong ka, para maipamukha mo sa sarili mo na for 10 years or so hindi mo napa ibig ang anak ko, at hinayaan mo siyang na magmahal ng isang lesbiana na nakilala niya lang niya. Sa tingin mo anong sasabihin sayo ni Papa?"balik tanong ni Oscar, alam niyang eventually malalaman din ng Papa niya pero nakahanda na siya at kung gusto ni David na magsalita sa papa niya hindi niya ito pipigilan.

Tumahimik lang si David at hudyat din yon para puntahan sa labas si Jade dahil nagaalala siya sa anak pero wala na ito sa labas at wala na rin ang kotse niya.
- - -

Sinusubukan ni Jade na sundan si Althea pero nawala na ito sa paningin niya. Nagring ang phone niya at sinagot niya ng di tinitingnan ang tumatawag.

"Anak asan ka?wag kang padalos dalos magmaneho iha."

"Pupuntahan ko po si Althea Dada kailangan ko po siyang makausap" sagot ni Jade na hindi humihinto sa pag iyak.

"O cge pero mag ingat ka sa pagmamaneho, huwag ka magalala anak, mag kakaayos din kayo.huwag ka ng umiyak."

Mas lalo namang napaiyak si Jade pero pinigilan niyang marinig ng Dada niya. Nagpaalam siya at tahimik na umiiyak habang nagmamaneho.

Bakit ganito ako ka sensitive pagdating kay Althea. Mahal ko na talaga siya, tanong biya sa sarili. Abot abot ang dasal niya na sana makita niya si Althea. Nagaalala siya sa pwde niyang gawin o kung saan man siya pupunta.
- - -

Pagdating sa RK, deretso siya ng office at nakita niya si Batchi at mabilis siyang tumakbo dito at yumakap, wala pa ring tigil sa pag iyak.

"Jade, anong nangyari?" alalang tanong ni Batchi

"Tinawagan ka ba ni Althea, dumaan ba siya dito?" pag kunway tanong ni Jade na humihikbi na.

"Sabi niya susunduin ka niya at derecho na kayo sa bar, hindi ba?may nangyari ba?" takang tanong ni Batchi pero hindi na nakasagot si Jade bagkus umiyak na lang.

"Pwede ba ikwento mo para maliwanagan kami." At pinaupo ni Batchi si Jade.

"Oo nga" sunod na sabi ni Cathleen.
Saka lang napansin ni Jade na parang may meeting ata si Batchi dahil andon si Cathleen, Wila at Abby.nakilala na rin niya ang dalawa.

"Sorry, may pinaguusapan ata kayo at naabala ko kayo" biglang nahiya si Jade

"Ok lang yan girl, tapos na rin kami.buti dumating ka inaantok na nga ako sa meeting namin eh." Wila at nakakuha siya ng matatalim na tingin mula sa tatlo.

Naikwento ni Jade ang nangyari at halos sabay sabay na naglabas ng mga cellphone nila ang apat at kanya kanyang tawag.

"Hindi daw dumaan sa Taguig" - Wila

Always, My JadeWhere stories live. Discover now