Looking Through (26)

6.7K 275 5
                                    

Jade

I woke up, on top of Althea at ramdam ko ang mga kamay niya na nakayakap sa akin. I feel better now, inalagaan ako ng Lovelove ko. I kissed her ear at nag react siya, umangat ang kamay niya at naramdaman ko ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko.
"Kamusta ng pakiramdam mo, Love."

"Nag-iinit pa rin." sagot ko na mapanukso. Nag blush siya, nakaktuwa talagang babaeng to, ang sarap tuksuhin.

"L-love naman, baka hindi ka na gumaling niyan. Bangon na tayo maghapon na tayo dito sa kama."

"Bakit ayaw mo? Bumangon ka mag isa mo." biglang alis ko sa ibabaw niya at humiga sa gilid, tatalikod sana ako sa kanya pero naalala ko ang promise namin kaya, pumikit na lang ako na nakaharap sa kanya.

Bumangon nga ang Althea. Kainis porket magaling na ako hindi na niya ako sinuyo. Bahala ka sabi ko sa isip ko. Pero ilang saglit pa ay naramdaman ko ang yakap niya sa likod ko sabay halik sa tenga ko.
"Tumawag si Ama kanina sa akin nag aalala sayo bakit hindi ka daw tumawag sa kanya. Sabi ko may sakit ka pero pag ok ka na, hahatid na kita doon. Sabi ni Ama doon na daw tayo mag dinner." paliwanag ni Althea.

Hinarap ko siya sabay halik. "Ok!" masigla kong sabi saka ko siya niyakap.
- - -
Nasa bahay na kami at nadatnan namin si Ama sa sala. Hinintay talaga kami. Tinawagan ko kasi siya kanina at sinabing on the way na kami.

"Kamusta ng pakiramdam mo Apo?"

"Magaling na po ako Ama, magaling po kasi magalaga ni Althea." sagot ko kay Ama sabay kindat kay Althea.

"Andito na pala kayo." bungad ni Mama at kasunod niya si Dada. Humalik ako sa kanila at ganon din si Jade pero hanggang ngayon ilang pa rin si Althea na humalik kay Dada.

"Good morning, po Tita, Tito." magalang niyang bati, as usual.

"Bunso!" bati sa akin ni Paul sabay halik "Blooming ah!" sunod na humalik kay Althea "Hi Althea, may kinalaman ka ba sa pagka blooming ng princessa namin."

Hala ang lovelove ko namula. Napaka transparent talaga ng mahal ko.

"Paul, stop it."

"What?! just asking. No need to answer Althea, kita ko naman sa mga mata ni Jade at sa pamumula mo." sagot niya halatang natutuwa itong pinagtritripan si Althea

"Paul." malumanay na tawag ni Mama.

Taas kamay naman si Paul at pangiti ngiti na lang sa akin.taas baba ang kilay.

Lumapit na sila yaya at sinabing ready na ang pagkain.

Hinawakan ko si Althea at sabay kaming naglakad papuntang dining ng inakbayan kami ni Paul nasa gitna namin siya saka humirit nanaman.

"Bunso hanggang kailan ka magsusuot ng closed shirt?" at natawa nanaman ng makitang pulang pula na si Althea...hinampas ko ang braso ni Paul pero nakaalis na at mabilis na nauna sa amin.

Sa dining, tahimik pa rin ang mahal ko na kumakain.

"Kumain kang mabuti Apo ko para lumakas ka ha." sabi ni Ama sa akin.

"Bakit Jade, may sakit ka?"

"Ah wala Ma, n-napagod lang ako sa bar." pagsisinungaling ko at narinig ko na kunwang inubo si Paul sabay ngiti. Pinandilatan ko lang siya.

"Pinatawagan ko siya kay Paul kanina at si Althea ang nakasagot at sabi nga daw may sakit ang apo ko. Pero masaya na ko dahil magaling ka na at kasalo ko na kayong kumain." paliwanag ni Ama

Si Althea inisang lagok ang tubig sa baso, at saka nagpatuloy sa pagsubo. Nakakatuwa siya kanina pa nag bu blush.
- - -

After dinner ay nag tea kami. then pinatulog na namin si Ama.

Always, My JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon