Awakening (56)

5.5K 246 27
                                    

"Hello Ma, kamusta na po kayo? Si Jade po pwede ko po bang makausap, kailan po ang balik niyo? I tried calling her pero hindi po siya sumasagot." Sunod sunod kong tanong kay Mama Amanda. The last time na nagusap kami ay mismong birthday ni Jade, that was the day after nilang makaalis. Kahit sa paguusap namin ay ramdam ko pa rin ang lamig niya. Natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari. I can't lose her, hindi ko kaya, hindi ko na kakayanin. It's been 5 days at puro messages lang natatanggap ko sa kanya. Puro good morning, sorry for the missed calls and goodnight.

"Hello Althea, Anak. Pasensiya ka na kay Jade. Sunod sunod kasi ang appointments niya kaya pagdating dito sa bahay after ng dinner ay tulog na. I don't think we'll be returning soon, may kausap pa daw siya sa makalawa. So most probably we will be staying for another three days Hija. She's still sleeping right now, late na kasi siya dumating kagabi from dinner na ibinigay sa kanya ng mga business partners niya dito." Paliwanag ni Mama. Hindi na ako nakasagot, bakit pakiramdam ko iniiwasan ako ni Jade, kahit saglit bakit ayaw niya akong kausapin. One week is already a torture, tapos maeextend pa. Don't do this to me Jade, please. Pagsamo kong bulong.

"You should be resting now, Hija. Late na diyan and I know how you've been working so hard. Take care of yourself, Anak."

"Ma, pag nagising po siya. Pwede po pakisabi tawagan niya ako kahit saglit, please." pakiusap ko

"Althea."

"Please Ma, kahit saglit lang. Marinig ko lang boses niya. I'll wait."

"Ok, Hija. But don't wait too long. Kung hindi siya makakatawag ngayon maybe tomorrow."

"No, Ma. I'll wait. Tonight.

- - -

"Anak, may problema ba kayo ni Althea? Hihintayin niya daw ang tawag mo kahit anong oras ngayon." bungad ni Mama pagbukas ng kwarto ko.

"Wala po Ma, pag narinig ko po kasi ang boses niya mas lalo ko lang siyang ma mimiss. Kaya message na lang po ang ginagawa ko." paliwanag ko kay Mama.

"Anak alam ko nahihirapan ka sa sitwasyon. I know how you love her so much. You've never been this patient before, noon when something don't go your way either you dropped it or win it. You always make others surrender to your will. You're a spoiled and mindless brat."

"Ma! that's overkill!" protesta ko pero kung tutuusin tama siya. Hindi ko na rin napansin kailan unti unting nabago ang sarili ko, hindi sinasadya pero naturally it happened maybe because of how I love Althea.

"Just call her, Anak. kahit kausapin mo lang saglit. Kawawa naman sigurado puyat nanaman yon." payo ni Mama.

- - -

First ring no answer pero bago pa matapos ang second ring sumagot na si Althea.

"Hello...hello...Love."

"Hi Lovelove, sorry been busy for a couple of days now. I still have meetings for the following days kaya we can't go home yet. I need to visit also the apartments to check on some things kasi tumawag sa akin ang manager kanina lang and she said I need to look at some problems and also--- " nahinto kong paliwanag talagang nilitanya ko na para hindi siya mag isip ng kung ano bakit hindi ako sumasagot sa tawag niya or bakit hindi ko siya tinatawagan.

"Althea, Lovelove?" tawag ko sa kabilang linya, parang ang tahimik kasi.

"Just go on Love, I'm listening. I just want to hear your voice." sagot niya sa malungkot na boses. I missed her so much. Gusto ko na ring umuwi pero hindi pa pwede kailangan ko munang makasigurado at sabi ni Cathleen at Batchi ito lang ang alam nilang paraan para magising namin si Althea at mapaglabanan niya ang takot niya.

Always, My JadeWhere stories live. Discover now