Fury (49)

4.9K 252 18
                                    

Hindi na ako mapakali, kanina pa hindi sumasagot si Jade sa mga tawag ko. I tried to call her Pero cannot be reached siya. Mahina na ba ang signal sa place niya. Isipin ko pa lang na kasama niya ang Charlie Chaplain na yon, hindi na ako mapakali. Pumayag ako na pumunta siya doon para hindi niya sabihing wala akong tiwala sa kanya. Pero mula ng umalis siya hindi na ako mapakali. I went straight to Cathleen's Office. Bumalik agad ako sa office galing sa Antipolo dahil hindi talaga ako matatahimik ng wala akong balita kay Jade o kahit text man lang galing sa kanya.

"Cathleen...Tell me where's our project site sa Bataan and I will start from there. I'll ask for a chopper para makarating agad ako doon, hindi naman cguro ganon kadami ang mga resorts doon na ginagawa ngayon. I need to see my wife and be sure na ok lang siya then I can go home, no need for her to see me. Kanina ko pa siya tinatawagan but I can't reach her..." bungad ko kay Cathleen.

But she just stared at me, didn't say a word parang pinagaaralan kung anong sasabihin bago yumuko ulit at patuloy sa pagbasa ng hawak niyang papeles.

"Cathleen please..." pakiusap ko na sa kanya.

"She's at home now, you don't need to go there." tanging sagot niya na hindi ako nililingon. Nagulat ako at nagtaka sa sinagot niya.

"How'd you know na nakauwi na siya, sa condo namin?"

"I believe she's in their mansion, you don't need to know kung paano ko nalaman." sagot niya

"Did you talk to my wife?" tanong ko ulit.

"Yes, and I think she's just tired kaya umuwi muna sa kanila and I think low batt siya kaya hindi niya nasagot tawag or messages mo."

"If low bat siya bakit nakausap mo siya?anong oras mo siya nakausap eh kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya." duda kong tanong at hindi na siya sumagot.

"Is there something you're not telling me Cath..."

"Nothing Althea, just don't worry anymore dahil nakauwi na si Jade."

- - -

I drove straight to Alabang, gusto kong makita ang asawa ko.
When I reached their mansion, nakita ko agad ang Daddy ni Jade, malalim ang iniisip habang umiinom ng alak at palakad lakad sa sala.

"D-dada." sambit ko at bigla siyang nagulat pagkakita sa akin, hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Dada pero yon ang hiling ni Jade.

"Althea, Hija anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya

"I'm here for Jade, Dada. Nakauwi na po ba siya?." Sagot tanong ko. Matama akong tiningnan ni Dada at tulad ni Cathleen parang pinagaaralan ang bawat salitang bibitiwan niya.

"She's in her room now and I think she's resting Althea, medyo masama ang pakiramdam at gusto lang niyang magpahinga." paliwanag ni Dada

"You can see her tomorrow siguro, gusto lang daw niya mapag isa."

"Is there something wrong Dada?" tanong kong nagaalala.

"Magusap na lang kayo ni Jade pag ok na siya Hija." halatang balisa ang boses ni Dada.

"Sisilipin ko lang po siya then I can go." pilit ko pa ring sabi.

"Althea please...she needs to rest." pakiusap ni Dada. Hindi na ako nagpumilit kahit alam kong may mali. Wala na akong magawa pero paalis na ako ng makita ako ni Ama.

"Althea! Apo!" salubong niya sa akin. Nagmano ako at humalik sa kanya.

"Apo, nagaway nanaman ba kayo ni Jade? Bakit iyak siya ng iyak kanina at takot na takot nong dumatinh? Anong nangyari sa inyong dalawa?" biglang sambit ni Ama na ikinagulat ko at nakita ko ding nagulat si Dada.

Always, My JadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon