No Measure (32)

6.3K 267 6
                                    

Tulala at gulat ako sa hawak hawak ni Jade. Patay na.bulong ko sa isip.

"Answer me?! dba usapan natin wala ng alak sa bahay mo at dito unless dala ng mga kaibigan mo o ako? What's this Althea? Are you really that sick that you can't do away with this!?" sunod sunod na sabi ni Jade.

"L-love matagal na yan diyan, hindi ko lang naalalang alisin. Nanghihinayang din kasi akong itapon. Ibibigay ko na lang sana kina Batchi pag pumunta dito." paliwanag ko

"Nanghihinayang ka? Ok fine!" sabay bukas niya ng bote ng brandy at derederetso niyang ininom ang 500ml size na bote ng alak at kumalat pa sa bibig niya at nabasa pa ang dibdib niya dahil pinipilit niyang ubusin. Halos hilo siyang napaupo sa kama. Nilapitan ko siya pero tinaas niya ang kamay na pinipigilan ako.

"Don't! kaya ko pa, Althea. Now tell me ito lang ba?" tanong niya.pinagpapawisan na ako, beastmode ng mahal ko. pati proposal ko naudlot, kasi naman sana nakinig na ako kay Batchi.

"Althea!?" sigaw niya. Napaigtad naman ako sa pagkakatayo galit na talaga siya. "Tell me now o ako pang hahalughog sa buong condo mo."

"L-love sorry na please. I'll take care of it, please."

"Where?" malumanay pero may diin niyang tanong.

"K-kunin ko" aktong aalis na ako pero pinigilan niya ako.

"No! I will get it." pigil niya pagbangon niya parang umikot ang paligid niya dahil napabalik siya ng upo. Ayaw niyang hawakan ko siya, galit talaga. Dahan dahan siyang tumayo "Where?" tanong niya pag daan sa akin. "Sa ilalim ng couch" sagot ko. Napailing siyang nagbukas mg pinto "You're unbelievable Althea." sambit niya papalabas ng kwarto.

Pagkakuha ng bote ng alak binuksan ulit yon ni Jade at ininom, na kalahati na niya at nakita kong parang bibigay na siya. mas malaki kasing bote ang hawak niya ngayon. Pero pinilit pa rin niyang ubusin, lakas loob kong kinuha ang boteng malapit na rin maubos. "Jade please! Love tama na." pinahid niya ang basang bibig niya ng kamay niya saka niya hinilamos ang dalawang palad niya sa mukha saka umunat sa pagka kaupo."Meron pa?" Tanong niya. Umiling na ako na nakatingin sa kanya. Pinagsisisihan kong alak na itingo ko, sa nakikita ko ngayon kay Jade gusto ko siyang yakapin pero ayoko siyang magalit. " Sigurado ka?" Sunod niyang tanong. "Yes, Love" sagot ko.
"I think I need more. Can you please get me some?" Pakiusap niya. pero tumutol akong umiiling "You had enough na Love, baka hindi ka pa kumain. Makakasama sayo." alalang kong sabi.

"Ayaw mo?, if you don't want to sige ako na lang. I'll go." Dahan dahang tayo niya.

"Jade ano ba?! Sorry na hindi na mauulit. Please!? " halos maluha luha ng pakiusap ko

Tiningnan niya ako hinawakan sa magkabilang pisngi ko, then I felt her lips against mine then she spoke "Please Althea kahit ngayon lang I'd like to drown myself to sleep." Umiiyak na siyang nakapikit. This isn't about me hiding the bottle anymore, is it Jade? Tanong ko na lang sa isip. Natahimik ako then I kissed her forehead and nod "Ok love, if that's what you want."

Hindi ko alam bakit biglang nagbago ang mood niya dahil lang ba sa pag tago ko ng alak. Eto nanaman ako nanghuhula. Mood swing? bakit ako ata walang ganitong mood.

Pagdating ko sa 7/11 hindi ko alam ang gagawin ko. Tinawagan ko si Batchi.

"Hello Althea?"

"Batchi!?" May garalgal kong sabi, hanggang tuluyan na akong umiyak at nasabi ko sa kanya ang nangyari, natawa pa siya at masaya sa sinabi kong naudlot na proposal.

"I warned you about that liquors na tinatago mo, didn't I? Sige buy 2 bottles more and pulutan na din. We'll be there in a few." Sagot ni Batchi.

Always, My JadeWhere stories live. Discover now