Space (55)

5.1K 242 9
                                    

Nagulat na lang kami ni Ryan ng biglang dumaan na lang si Althea sa gitna namin dahil nga nakaharang kami sa pinto. Bakas sa mukha niya ang inis at selos?

- - -

Hindi man lang napansin ni Jade ang paglapit ko dahil sa kausap niya. Sino ba yon at mukhang komportable siyang makipagusap.

"Sinong kaaway mo, Althea at kusot ang mukha mo?"tanong ni Paul pero bago pa ako nakasagot bumukas na ulit ang pinto at pumasok si Jade at kasunod ang feeling gwapong mukhang boxer, o gym instructor o ewan. Talaga nga naman pag nagselos ang description wagas, sabi ng utak ko.

"Hi Bunso, mukhang may free lunch nanaman ako ah."

"Oo naman." matipid lang na ngiti ni Jade na umiwas ng tingin sa akin.

"Oh yes, Ryan. What brings you here. All set for your flight tomorrow?"

"Good morning Paul, Ms. Althea." sabay yuko sa amin at ngumiti lang kay Jade. "Yup, all set for New York tomorrow, am I sorry to be here ngayon ko lang ulit kasi nakita si Ms. Jade when I saw her outside your office kaya napalapit ako."

"So you don't really have any business here?" bigla kong tanong sa seryosong boses.

"Ah, eh wala Ms. Althea. Just happy to see Ms. Jade in our office again, once in a blue moon lang eh." biro nito at ngiti na nagpalabas ng dimple niya. mas maganda ang dimples ko sa yo, banat ng utak ko na malala nanaman dahil sa selos. At ang magaling na Jade nakikingiti rin.

"Marami kasing maskulado dito eh, nakakatakot pumunta." pagsakay naman ni Jade sa biro ni Ryan.

"Oh, not anymore, Ms. Jade, marami na ring amazona." sabay tawa niya ulit. Is he flirting with my wife.

"Are you married Mr. R-ryan? Right?" putol ko sa tinginan nila

Kita ko ang gulat sa mukha niya. I don't want to be rude pero natutunaw na ako sa selos.

"N-no, I'm not married...yet, Ms. Althea."

"So you're in a relationship, then?"

"Y-yes..."

"You do know that m-y...Ms. Jade here is already married, right?" sunod kong tanong at nakita kong napapailing na lang si Paul na nakangiti at si Jade na tahimik lang na nakatayo.

"Ah, n-no,"tanging sagot lang ni Ryan sunod na tumingin sa kamay ni Jade at kay Jade mismo na tumango at ngumiti sa kanya.

"We'll now you know. Then stop flirting with her, you wouldn't want to mess up with---"

"I'm not flirting with Ms. Jade...sorry Ms. Althea, Paul...I'm just happy to see her."

"Don't be sorry Ryan, no need to apologize." sagot ni Jade sa seryosong mukha at nakatingin sa akin.

"What?" bulalalas ko

"Why, Ms. Althea, what do you care?" biglang balik ng tanong ni Jade sa akin, napako ako sa kinatatayuan ko.

"Ah, I think, we all just need to take a lunch break. We'll talk later Ryan, be sure to bring everything before you're flight tomorrow. Oh by the way aren't you also leaving tomorrow night bunso?" basag sa tension ni Paul.

"Y-yes Paul, our flight's midnight..."

"Wow same time Ms. Jade, hope to see you though even if we're in the same plane you'll be in the business class, I'm sure." hirit niya ulit ayaw talagang tumigil ng mokong na to. Hindi ko na talaga kaya.

Always, My JadeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang