Things Missed (66)

6.1K 247 5
                                    

"Hoy Tsong! hindi ito kwarto mo huwag kang matulog dito! Try mo kaya matulog sa private room mo!"sigaw ni Batchi sa akin pagpasok niya ng RK, nakahilata kasi ako sa couch dahil antok pa rin ako kahit hapon na, hindi ko alam kung pagod o antok ang nararamdaman ko.

"Sorry Batchi, tamad ko ngang bumangon eh, pinilit lang ako ni Jade na pumasok kanina." sabay hikab ko at narinig ko lang ang pigil na tawa ni Batchi at sunod ay napapailing.

"How's the party pala kagabi?" bigla niyang kamusta.

"Perfect! I mean I admired Jade in her boldness and her love for me. She never let go of my hand the whole night as if telling and showing to everyone how much she loves me. It's overwhelming Batchi, I can see judgmental looks from other people but she didn't care, she never care. We danced and she held me tight, she's proud holding her baby bump and our fingers entwined while we're walking. She's really is amazing." sunod sunod kong sabi na may pagmamalaki and I really felt it last night, her love, her sincerity.

"I could tell, maganda ang aura mo kahit mukhang puyat ka." tawa tawang sagot ni Batchi na biglang napawi ng may naalala.". Andon ba si David?" tanong niya.

"I didn't see him." sagot ko, akala ko din dadalo si David dahil part din sila ng kumpanya. "Maybe parents niya siguro andon but not David." dugtong ko kahit na alam kong family included ang party. Tumango lang si Batchi.

"Hindi talaga attend yon, lalo na at andon ka. Alam ng lahat na naging sila ni Jade kaya hindi talaga yon magpapakita."

"Oo nga, minsan napapaisip ako sa pagiging tahimik ni David, kahit alam ng lahat na babaero siya Isipin pa rin na isang babae pa ang ipinalit ni Jade sa kanya." nasabi kong may pagaalala.

"Kahit na I don't think he'll harm you or do stupid things just because naapakan ang pagkalalaki niya." paliwanag ni Batchi. "Hindi niya isusugal ang marangyang buhay niya para lang saktan kayo ni Jade cause he knows he can't get away with it." dugtong pa niya.

"What's with the worry face?" biglang baling namin ni Batchi sa nagsalita.

"Cathleen!!!" sigaw ko at biglang takbo sa kanya. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil madalas siya sa site habang nasa office lang ako at RK, hi hello lang sa phone dahil busy kami pareho at madalas si Jade ang kausap niya.

"I miss you, too" sagot niya habang nakayakap sa akin.

"Still like a baby huh!" sunod kong rinig na boses.

"Ralph!" gulat kong sabi at sunod akong yumakap sa kanya.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ko sa kanya.

"Three weeks na ko dito at inaayos namin ni Cath ang branch ng RK sa Boracay, Cath didn't tell you?" takang tanong ni Ralph. Sinamaan ko ng tingin si Cathleen pero nagkibit balikat lang siya.

"She told me about the branch but she didn't tell me that you're already here. Three weeks?!!." sabay sabi ko at sinimangutan si Cathleen pero hindi niya ako pinansin.

"Oops sorry hindi ko ba nasabi sayo. Akala ko kasi nasabi ko na sayo, kay Jade ko lang ata nabanggit." sabi niya na nakakalokong nakangiti.

"Alam ni Jade? How could you do this to me?Lagi na lang ba ako ang huling nakakaalam?" Sunod sunod kong reklamo pero pinagtawanan lang ako ng tatlo.

"Hay naku, makaalis na nga pinagtritripan niyo lang ako." Maktol ko na at tumayo.

"Sabay na tayo, we're going to Jade sa Bar nila. Birthday daw ni Sally at doon ang celebration." Pigil ni Batchi sa akin. "Kaya nga andito sila Cath at Ralph, we'll just wait for Wila and Abby."

Always, My JadeWhere stories live. Discover now