First Step (20)

7K 313 6
                                    

Nagising si Jade na nakayakap pa rin sa kanya si Althea. Nakita niya ang relo sa lamp stand ng kwarto ni Althea past 8 na ng umaga. Tinanghali na siya ng gising. Dahan dahan siyang kumalas sa pagkakayakap kay Althea at bago tuluyang tumayo sa kama ay hinalikan saglit ang girlfriend, nagulat pa ito ng nagsalita ang babaeng akala niya ay tulog pa. "I love you." Parang automatic lang na pag hinalikan niya ang girlfriend ay may pahabol na I love you.
Sinubukan niya ulit na halikan ang sleeping princess niya, masuyo, she's brushing her lips against hers. Then kissed her long and sweet.
"I love you." usal muli ng isa na nakangiti na kahit nakapikit pa rin. Napangiti na rin si Jade, she loves my kisses and I love hearing her I love yous sabi niya sa isip.

"Hungry?"Tanong niya sa nagtutulog tulugan

"For you, yes" sagot niyang nag pa blush kay Jade na pinag pasalamt niya na nakapikit pa rin ang kaharap niya kundi hiyang hiya siya.

"Silly, for breakfast, ibig kong sabihin."

"Can I have you for breakfast?" sabay mulat at nakangiting nakakaakit.

Pulang kamatis na si Jade

"Mainit ba?mahina ba aircon?"

"Ha bakit?"tanong ni Jade

"Kasi parang namumula ka Love eh." sabay bangon at hawak sa magkabilang pisngi ni Jade.

"Ah hindi, ok lang naman. Kain na tayo Lovelove. Sabay yaya niya sa girlfriend pero deretso muna sa bathroom.

"Can I join you?" Pahabol naman ni Althea pero mabilis na nauna si Jade at nagsara ng pinto. Bakit parang biglang ako ang nahihiya ngayon sabi ni Jade sa sarili.

- - -

"Breakfast is ready!" Sigaw ni Batchi ng makita ang dalawang papalabas ng kwarto ni Althea.

"Thank you!" nakangiting sabi ni Jade.

"Kami lahat nag prepare niyan" habol pa ni Batchi

"Kapal ng mukha mo ah! Ako lang at si Abby kaya nagprepare nito!"sigaw ni Wila sabay batok kay Batchi

"Mahal oh!" pagsusumbong ni Batchi kay Abby.

Natatawa lang silang lahat at napapailing lang si Cathleen.

"How's the baby?" sabay baling ni Cathleen na ngayon ay nakaupo ng si Althea.

Halatang ayaw ni Althea ang tawag sa kanya pero mas nanaig ang hiya at napakamot lang ng ulo.

Tumayo si Cathleen kumuha ng mug at nagsalin ng brewed coffee at inabot kay Althea, saka kumuha ng pancake nilagyan ng syrup, tahimik lang na nakatingin sila Jade na katabi ni Althea, Wila, Abby, at Batchi.

"Thank you, Cath." mahinang sabi ni Althea sabay lingon kay Jade "Love kain na, anong gusto mo?" Sabay alok sa mga pagkain na nasa mesa.

"Ok lang Lovelove, ako ng bahala."

Awkward.

"Kain na tayo at ng makapasok na mga Tsong, tanghali na oh!" basag awkward ni Batchi.

"Jade ganyan lang talaga kalambing si Cath sa baby niya, wag ka magalala kasi mula ulo hanggang paa in love sayo si Althea. Tsaka may asawa na yang si Cath mas gusto niya ang---"

"Wila!!"sabay saway ni Abby at Batchi.

"Ano?! Sinasabi ko lang naman kasi baka magselos tong si Jade sa kasweetan ng Cath na to eh kahit may asawa na---hmmmp"
Supalpal ni Batchi ng bacon sa bibig ni Wila.

Hinila na nila Abby at Batchi si Wila papunta sa kabilang kwarto para makpagbihis na sila kahit todo protesta naman yong isa dahil hindi pa sila tapos kumain.

Always, My JadeWhere stories live. Discover now