Baby Steps (22)

7.1K 264 4
                                    

Hinatid ni Althea si Jade sa bar.

"Text me kung susunduin na kita mamya Love."

"Hintayin na lang kita sa Bar, anytime." sabay halik sa pisngi ni Althea

Walang reaksyon yong isa, napatigil naman si Jade.

"What?"

"Wala, sige bye. see you later." pilit na ngiti nito

Lalabas na sana si Jade ng may naalala. Bumalik siyang tiningnan ang girlfriend saka hinawakan sa magkabilang pisngi at humalik sa mga labi nito.

"I love you." nakangiti ng sabi ni Althea. ayon naman pala eh. Hay naku talaga naman sabi sa isip ni Jade.

Napapailing na lang itong bumaba habang tuwang tuwa namang kumaway si Althea bago tuluyang pinaandar ang kotse niya.

"Such a baby"-bulong niya sa sarili.

- - -
Pagkarating ni Althea sa Resto hinanap niya agad si Batchi.

"Batch! Gusto mo ng TV?"bungad nito ng makita ang kaibigan.

"Hi Althea, good afternoon too! Anong meron sa TV at bibigyan mo ako. Thank you Marge." sabay abot sa secretary ng mga papeles.

"Ah, yes. sayo na lang Marge, bago pa yon tsaka kaka bili ko lang dahil pinalitan ko yong dati, pero aalisin ko na kasi sa kwarto ko." nakangiting sabi ni Althea sa Secretary niya.

"Naku, Althea. Thank you." tuwang tuwa namang sabi ni Marge

"Ok pa deliver ko na lang kay Mang Carding sa bahay niyo para dka na maabala."

"Anong nakain mo?"

"Sabi ni Jade dapat daw walang TV sa bedroom." nahihiyang sagot niya.

"Bakit siya lang ba ang nagsabi sayo non?dba ako din kasi parang 24 oras na naka bukas ang TV mo!Mukha ngang useless ang kama mo dahil tuwing matutulog ka naka on pa rin ang TV mo!" pasigaw na reklamo ni Batchi.

"Nakakaselos ka naman Tsong, mas takot ka ata kay Jade kesa sa kin. Siguro ang saya mong pinatulog mo pa siya sa kama mo noh?" pahabol pa ni Batchi at nakita niyang napangiti lang ang kaibigan na nagniningning ang mga mata.

"Ano!?Ang landi mo Tsong! Ano nakailan kayo?!"

Nanlaki naman ang mata ni Althea dahil andon pa rin si Marge na nakahalata ata at magalang na nagpaalam ng lumabas.

Malungkot namang bumalik ang tingin ni Althea kay Batchi.

"Uy!Anong mukha yan?" At ng parang may narealize ay hinawakan ang mga kamay ng kaibigan."Iba si Jade, Althea. Don't ever think na she's one of them because she's not."

"Ewan ko Batchi, bakit pagdating kay Jade lagi akong may takot. She's my only dream pero bakit parang hindi pa rin ako makapaniwala na mahal niya ako?"

"Althea, give Jade the chance to prove herself to you."

"I can feel her love, Batchi. Maybe I'm just too afraid to accept the truth."

"Just let it be, Althea. Ikaw na rin nagsabi, if given the chance to be with the one person you love, You will take it and live that moment, hindi ba?"

Tumango lang si Althea.

"So why not give it a try hanggat andiyan siya. But I doubt dahil mukhang tuluyan mo na siyang nabend eh." birong totoo ni Batchi

"One more thing in your condo pala, be sure hindi makikita ni Jade mga tinago mong alak."

Gulat si Althea "Paanong...?"

Always, My JadeWhere stories live. Discover now