Chapter 4

161K 2.8K 178
                                    

                                                                   *****

Tahimik na pinagmamasdan ni Pierce mula sa kanyang sasakyan ang nagpapark na kotse ni Clarisse. Magkasunod silang dumating ngunit naghintay lang muna siya sa drive way at hinayaan ang babaeng matapos sa pagpaparada bago siya sumingit sa garahe.

Lumabas si Clarisse ng kotse. Kung ano ang hilatsa ng mukha nito nang makita niya kaninang umaga ganun pa rin ang mukha nito ngayon. He’s drunk but he can still see clearly every single detail of her face. Pagkasara ng babae sa pinto ng driver’s seat ay unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito. She turned her back from the car subalit nakakaisang hakbang pa lamang ito ay muli itong humarap at lumapit sa kotse. Paulit-ulit nitong sinipa ang gulong ng sasakyan.

“You’re stupid Clarisse! Are you out of your mind?!” naririnig niyang sabi ng babae habang pinagbubuntunan ng init ng ulo ang walang malay na gulong.

“Bad mood again…” he whispered while shaking his head.

Pagkatapos mailabas ang init ng ulo, paulit-ulit na huminga ng malalim ang babae. She straightened her clothes and walked with poise and a calm face going to the front door. Halatang hindi nito napansin na naroroon na rin siya. Natatawa siya sa napapanood. This woman can win an Oscar for being such a good actress. Acting cool and mighty in front of other people pero may hidden savageness din naman pala pag walang nakatingin.

He drove to the garage and quickly parked his car. Pagkababa niya ng sasakyan ay ilang ulit syang kumurap at umiling. He tried to shake off his dizziness. Birthday ng pinakaclose niyang kuya at niyaya siya nito sa isang bar. Since his brother is a family man, maaga silang nag-umpisang uminom bago pa man ito hanapin ng asawa. He enjoyed their time together kaya’t hindi niya namalayang napadami pala siya ng inom.

He went straight to the front door habang pinipilit niyang maglakad ng tuwid. Pagdating niya malapit sa may pintuan, nagulat siya nang makitang naroroon pa rin si Clarisse. She’s holding different set of keys at hindi nito makuha-kuha ang tamang susi ng pinto. Tila natataranta ito hanggang sa dahan-dahan na naman itong nairita.

“Hays ano ka ba Clarisse? Nilayasan ka ba ng utak mo ngayon!” sermon nito sa sarili.

“Hindi ka ba napapagod?” tanong niya dito.

Natigilan ang babae at halatang nagulat ito nang marinig ang boses niya. As expected, she composed herself again and looked at him with a proud face. “What are you trying to point out?”

“Aren’t you getting tired na gumigising kang iritable sa umaga at natatapos ang araw mong iritable ka pa rin?” ngingisi-ngising tanong niya dito.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon