Chapter 40

142K 2.7K 627
                                    

      

                                                                   *****

Kabadong kumakatok si Lance sa library ng ama. Tinawagan siya nito at inutusang umuwi muna ng bahay dahil meron silang importanteng pag-uusapan. Matigas ang boses ng magulang nang makausap niya ito sa telepono kaya inaasahan niyang may karugtong pa rin ang panenermon nito tungkol sa paghihiwalay nila ni Scarlet. Pinagtulung-tulungan na siyang pagalitan ng kanyang pamilya at ngayo'y mukhang hindi pa rin ata tapos ang mga pangaral at sermon sa kanya.

Huminga siya ng malalim bago pumasok sa silid. Walang nakakaalam sa pamilya niya at pamilya ni Scarlet sa totoong pinagdaanan nilang problema. Although he lost his feelings towards her, gusto pa rin niyang protektahan ang imahe ng dating kasintahan. Ayaw niyang mawala ang respeto sa babae ng mga taong malalapit dito at lalong-lalo na ang respeto nito sa sarili. Kahit hiwalay na sila, importante pa rin sa kanya si Scarlet hindi man bilang isang karelasyon kundi bilang kaibigan. Nagkamali man ito, hindi niya rin naman maikakaila na sa loob ng mahigit dalawang taong pinagsamahan nila mas marami pa ring mabubuting bagay na ipinamalas ito sa kanya.

They broke up in a nice way. Both of them forgave each other's mistakes and decided to remain friends. They had good talk. Nagpakatotoo siya sa nararamdaman para sa babae. Inamin niyang hindi niya na kayang ibalik ang dating pagtingin dito. He'd been vocal about everything except for one thing. It's about Clarisse. Kung gusto niyang protektahan ang dating kasintahan mas higit na gusto niyang alagaan at proteksiyonan ang abogada. For him it's not the right time yet para basta-basta na lang aminin sa sinuman ang nararamdaman para kay Clarisse. 

"Come in," his father said when the door opened.

Tiningnan niya ang hilatsa ng mukha ng ama. Pormal ito and yet he can't tell kung galit ba o hindi.Naupo ito sa desk at iginilid sa mesa ang mga binabasang libro. Suot nito ang paboritong pantulog na roba at ugali na nitong tumambay sa library bago matulog. Tahimik na naupo siya sa mahabang sopa sa tapat ng inuupuang mesa ng ama. Pinapatunog niya ang mga daliri sa kamay habang naghihintay ng sasabihin sa kanya.

"Mabuti naman at mabilis kitang napasunod ngayon," wika ng ama.

"You said it's important," katwiran niya.

Bagamat nagpapakaindependent siya upang makawala sa anino ng popularidad ng ama ngunit kapag narinig niya na itong nagsalita ng matigas, he has no choice but to follow or listen to his orders. Gaya kanina, tono pa lamang nito sa telepono ay ramdam niya nang hindi siya pwedeng tumanggi.

"What is it that you want to talk about?" untag niya.

The old man leaned his back in the swivel chair and remove his eyeglasses. "The real reason why you call off the engagement."

Napakamot si Lance ng ulo. "Dad hindi pa rin ba tayo tapos dyan? I already told you everything. You and mom had punished me enough with your harsh words. Can we start moving on now?"

"Scarlet came to my office and told me the real reason behind your break up."

Natigilan si Lance. Agad siyang kinabahan sa narinig. Inamin ba ng dalaga ang nagawa nitong kasalanan?

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon