Chapter 38

126K 2.6K 432
                                    

      

                                                 ******

"You're up early."

Halos mapalundag si Clarisse sa gulat nang bigla na lang nagsalita sa tabi ng tenga niya si Pierce. She's washing the dishes at wala siyang kamalay-malay na nakatayo na pala sa likuran niya ang lalaki. Binubuksan nito ang hanging cabinet na nasa ulunan niya to get a coffee mug. He's standing too close to her in which she can already feel the warmth of his body. Naasiwa siya kaya umisod siya papalapit ng lababo.

"Sinadya kong gumising ng maaga. It's Sunday kaya gusto kong makabawi sa paghahanda ng almusal," paliwanag niya while keeping herself aware to keep some distance from the man standing behind her.

Nakalista na sa isipan niya ang mga gagawin buong araw sa bahay. She'll do a general cleaning. Ayaw niyang magmukmok at aksayahin ang off niya sa pag-iisip ng mga problema. Nakapagluto na siya ng almusal. A first attempt for a yang chow fried rice na hindi niya tiyak kung magugustuhan ba ng kasama ang lasa, egg roll, fried bacon, hotdog, and honeyed toasted bread. 

"Nagcoffee ka na ba?" he asked.

"Tapos na," mahinang sagot niya habang pasimpleng yumuyuko upang mailayo ang batok sa hininga ng kausap.

He got the mug at lumapit ito sa coffemaker na may nakahanda ng kape. She looked at him secretly from the corner of her eyes. He's wearing a white sleeveles undershirt, sweat pants and rubber shoes, revealing his muscled arms and toned chest. Pawisan ang mukha nito at nangingintab ang braso't balikat. Hindi niya alam na nauna pa rin pala itong magising sa kanya.

"Katatapos ko lang mag-jogging," he said voluntarily habang nagsasalin ng kape sa mug. Halatang alam nitong nakatingin siya.

Napapahiyang ibinalik niya sa mga hinuhugasang gamit ang mga mata. "Ah I see. Ba't nagkakape ka na? Hindi ba dapat magtubig ka muna since katatapos mo lang magpapawis," napapalunok na komento niya.

"Nakaubos na ako ng kalahating pitsel. Kanina pa ako nakatayo sa tabi ng ref but you didn't notice my presence dahil mukhang malalim na naman ang iniisip mo."

"G-Ganun ba? Wala akong iniisip, focus lang ako masyado sa paghuhugas," palusot niya.

She was thinking about what happened the other night. Hindi niya pa rin nakakausap tungkol dito ang lalaki. Nakakahiya man pero hindi niya mapigilang huwag magduda na baka siya nga ang babaeng napanaginipan nito. The way he hugged and looked at her that night told her so.

Umiling siya upang matauhan.

Imposible. 

When he told her before that he likes her, hindi niya ito pinaniwalaan at maging ngayon o sa hinaharap pa man ay hindi niya ito paniniwalaan. Sa dati nitong magaspang na pag-uugali, malinaw pa sa tumutulong tubig sa harapan niya ang katotohanang dala lamang ng pride ng lalaki ang sinabi nito. Ano naman ang magugustuhan sa kanya ni Pierce? Her personality is the exact opposite of the type of woman he loves to date. Ang lalaki na mismo ang paulit-ulit na nagreremind sa kanya kung gaano siya ka-plain and boring.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon